Loves Her

3.3K 87 0
                                    

Maaga siyang nagising kagaya ng dati,  pero ngayon ay mapapansin na may kakaiba sa kanya.

"Good morning hijo. "

"Good morning manang Flor. " Naupo na siya sa dining table,  nagtaka naman ang matanda dahil sa kakaibang aura ng alaga,  pero pinagkibit balikat na lang niya iyon, naisip na baka may problema lang ito.

"Manang Flor yung kap-- Denise? " Nagulat pa si Ithan ng makita na lumabas si Denise na nakangiti at hawak ang isang tasa na halatang umuusok pa.

"Good morning kuya Ithan,  eto po pinagtimpla kita ng kape." Umiwas siya ng tingin kay Denise, inilapag naman nito ang kape sa harapan niya.

"Salamat. " Hindi niya rin alam kung bakit nakakaramdam siya ng galit ,kaya kahit ayaw niyang mahamigan ng lamig ang pagsasalita ay hindi niya maiwasan.

Mukhang hindi naman iyon napansin ni Denise dahil nakita niya sa gilid ng mga mata na naupo ito sa tabi niya at saka nagsimulang kumain. Pakiramdam ni Ithan ay yun na ang pinakamahaba at tahimik na almusal na naranasan niya,nagtataka naman siya kung bakit hindi pa bumababa ang ninang niya at ang dad niya?

"Where's ninang pati na si dad? " Tanong niya pero hindi pa rin binabalingan si Denise.
"Umalis sila ng maaga, they going in Palawan. Siguro mga five days then sa Batanes naman." Nakakunot ang noo na napabaling siya kay Denise.

"Bakit ang haba naman ng bakasyon nila?" Nakita niya ang makahulugang ngiti ng kinakapatid.

"They're dating."

"What?!" Buti na lang at ubos na ang kape niya,kaya naman hindi siya nasamid ,but he was shock. Gusto niyang mapapikit ng tumawa ang kinakapatid, it was like a music in his ears.

"Ano ka ba kuya Ithan, wala kang dapat ikagulat sa sinabi ko, saka ayaw mo nun, kapagnag katuluyan si mama at dad ,magiging magkapatid na tayo."

Never!

Sigaw ng isang bahagi ng puso niya, and he don't know why, he doesn't like the idea of them become siblings.

"We're not going to be a siblings, ninang was not your biological mom." Hindi niya alam kung bakit ganon ang lumabas sa mga bibig niya at alam niyang sakrito ang pagkakasabi niya noon. Nakita niya na ang gulat sa mukha ni Denise at sumunod na para bang nasaktan ito sa sinabi niya.

Shit!

Namura naman niya ang sarili ng makita na napayuko ito at para bang nahiya sa narinig.

"Sorry ." Narinig niyang bulong nito, napapikit siya saka napabuga ng hangin.

"No, I'm sorry. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. " Pagdadahilan niya,  nag-angat ito ng tingin saka ngumiti ,pero hindi niya magawang ngitian ang kinakapatid.

"I should go." Tumayo na siya ,hindi na niya maintindihan ang sarili dahil baka pagmas tumagal siya doon ay maamin niya ang nalaman dito.

"Kuya Ithan wait. " Napalingon siya kay Denise.

"Why? " Kunot ang noo niyang tanong,  pero anghel ata talaga ata ang kinakapatid niya dahil nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Ingat ka, sana makaabot ka po sa dinner. "

Bigla na naman nawala sa focus ang isip niya pati ang puso niya ay nagwala dahil sa ngiti at sinabi ni Denise.

Damn heart!
---
Hating gabi na ng makauwi siya,  he was tired from his works dahil na rin ibinuhos niya ang atensyon doon, pero parang kulang pa ang pagod niya para maialis sa isip si Denise.

"Baka tulog na siya."

May susi naman siya ng bahay kaya nabuksan niya,  tahimik ang buong paligid kaya naman pagpasok niya ay nagulat pa siya ng makita si Denise na nakahiga sa sala,  pero napakunot noo siya ng makitang mukhang nakatulog ito.

Hinihintay niya ba ko?

Lumapit siya dito,nabura ang pagkakunot ng noo niya ng mapatitig siya sa mukha nito, tulog na nga ang babae, at para itong isang inosenteng bata na natutulog. No , she was more like a innocent angel.

Napabuntong hininga na lang siya, hindi niya alam kung bakit kahit galit siya sa nalaman niya ay hindi naman niya magawang komprontahin ang kinakapatid,  at talaga siyang nag-aalala siya sa kalagayan nito.

Kaya naman binuhat niya ito, nagtaka naman siya dahil magaan ito at parang hindi normal ang bigat nito lalo na sa isang buntis. Naramdaman niya ang paggalaw ng ulo nito at napatigil siya sa paglalakad ng makita na nagulat itong napadilat.

"Kuya Ithan,  kanina ka pa? " Ibinababa niya ito,  walang emosyon na tinitigan niya lang ito.

"Pasensiya na nakatulog ako sa sofa,  hinihintay kasi kita. " nakangiting sagot nito, nasimula na naman siyang mainis.

"Bakit kaylangan mo pa kong hinatayin?  Gabi na alam mong masama iyon para sa.. " Natigilan siya, nakita naman niya na nagtaka si Denise.

"Ha?  Masama para sa?. "

"Wala, umakyat ka na, matulog ka na. " Malamig na utos niya dito,  pero ngumiti lang si Denise ,nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa braso.

"Halika kuya Ithan,  ipapatikim ko sayo ang luto ko.  Nagpaturo ako kay nanay Flor ng lutong Pinoy,  kaya naman adobo ang ulam natin. " wala na siyan nagawa na nagpahila na hanggang sa kusina, masyadong masaya si Denise para tanggihan niya pero wala pa rin siyang kareareaksyon. Ito pa ang naghatak ng upuan niya,  natigilan siya dahil sa mga ginagawa nito,  pakiramdam niya kasi ay mag-asawa sila at ito ang misis niya na nag-aasikaso sa kanya. May kung anong kumislot sa puso niya ng maiisip iyon, tahimik na naupo siya saka tinignan lang ang pagginagawa ni Denise.

Bigla niya naisip ang kondisyon nito, keylan kaya nito sasabihin sa kanila ang kondisyon nito,  saka ano na ba ang balak nito? Nagkaayos na ba ito at ang Vincent na kausap nito? Paano kung Oo? So babalik na ba ulit ito sa Italy?

Napatiim bagang na lang siya ng maisip ang mga iyon,  kahit naman buntis ito ay tatanggapin nila ito,  tatanggapin niya ito. Pero pano niya gagawin iyon kung hindi aamin ito? Baka naman hinahabol pa rin nito ang lalaking iyon?

"Kuya Ithan? " Napabaling siya dito, napatitig siya sa mga mata nito.

She still have does beautiful blue eyes, kaya alam niya dapat walang mabago, pero tanga siya kung hindi niya aaminin na nagbago na ang lahat.  Hindi na ito ang little girl niya, because she was already a woman,hindi na ito ang iyaking bata, because she has this long patient,  higit sa lahat hindi na ito ang tinuturing niyang kinakapatid,  because finally, he realized ,that he likes her..  No, he loves her..

Ithan loves Denise..

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon