Doble ang saya ni Ithan ng sa mahigit na anim na buwan na pagpapagamot ng ama niya ay naging maganda ang respond ng result nito sa mga gamot.
"Congrats Mr.Mortis, kakaunting gamutan na lang at we can say you will cancer free. Its a big miracle." Nagkatinginan pa silang nag-ama dahil sa sinabi ng doktor.
"Talaga po dok? Gagaling na po si tito Ian?" Napatingin silang lahat kay Denise, kasama kasi nila ito at ang ninang niya. Nakakandong ito sa ninang niya na nakaupo sa sofa, kaharap nila.
"Yes little girl, he will be fine and you can play with him after maybe a months." Nakita naman niya na nalito si Denize dahil sa deretsong pag-eenglish ng doktor.
"Ano daw mama? Ang bilis niyang mag-english ." Natawa naman sila dahil sa kainosentehan nito. Binulungan naman ito ng ninang niya muli nilang hinarap ang doktor.
"Just do what I said, take a proper diet and exercise ,and continue your medicine."
"Ok dok, thank you ." Nakangiting kinamayan ito ng ama niya, sabay-sabay na silang lumabas . Nakangiti na rin siya dahil tama ang doktor , unti-unti bumabalik na ang katikasan ng ama niya saka naman siya napabaling sa ninang niya na katabi ng ama niya sa paglalakad habang hawak nito ang kamay ng kinakapatid.
Sa ilang buwan na pagkakasama sama nila ay nakikita niya na may kakaibang sigla ang ama sa tuwing nakakasama nito ang ninang niya, at alam niyang dahil sa ninang niya iyon, pero hindi naman niya maiwasan na isipin ang magiging estado nila ni Denise kung tama nga ang hinala nila.
Dapat nga maging masaya ako, dahil kay ninang mas napapabilis ang paggaling ni papa.
Pero may kung anong kirot siyang naramdaman ng maisip na posible na maging magkapatid sila ni Denise, because deep inside, ayaw niya ,kung bakit hindi niya rin alam.
----
Kasalukuyan silang kumakain ng biglang makarinig sila ng sunod-sunod na pagdoorbell."Sandali lang po. Mukhang may bisita po kayo." Lumabas ng kusina ang manang Flor niya.
Ilang sandali ay pumasok ito sa dining area, nagtataka sila ng parang nabahala itong napatingin sa kanila.
"Sino ang dumating Flor?" Tanong ng ama niya, kasabay naman ng pagpasok ng mga hindi nila inaasahan na bisita.
Napakunot noo siya ng makita ang apat na taong, pero mas natuon ang mga mata ng binatilyo sa dalawang mukhang mag-asawa pero ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang mata ng dalawa , kulay asul ang mga mata nito kasabay ng realization ay napatingin siya kay Denise pero hindi kagaya nila, ito ay nakatingin lang sa apat na tao at nakangiti na nahalatang hindi nito dama ang biglang tensyon sa paligid parikular sa ninang Donna niya.
Ang ama niya ang bumasag ng katahimikan saka ito tumayo palapit sa apat na bisita nila.
"Good Afternoon, I'm Mr.Ian Mortis ,the owner of this house." Nakipagkamay naman ang apat sa ama niya at may sinabi ang mga ito, bumaling ito sa ninang niya saka parang malungkot na bumaling sa kanya, bigla naman kumabog ng mabilis ang puso niya ng makitang binalingan nito si Denise.
Kasabay ng pagkagulat niya ng umiiyak na lumapit ang isa sa mga ito at niyakap ang nagulat din na si Denise.
"Baby, my baby.."
----
Tahimik lang siya habang masiglang masigla na nagkukuwento si Denise sa kanya, hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari, paano nalaman niya na ang dalawang mag-asawang Guipen ,ay posibleng mga magulang ni Denise at kasama nito ang dalawang tagaDSWD para mas mapag-usapan ng maayos ang gagawing pagkuha kay Denise .Biglang nakaramdama siya ng lungkot ng mapatingin kay Denise,alam niyang hindi papayag basta basta ang ninang niya pero paano kung pumayag ito? Pano kung ipasama nito si Denise? Mahihirapan itong mag-adjust, siguradong iiyak ito, baka hanapin nito ang ninang niya o baka hanapin siya nito.
"Kuya tantan? Kuya tantan? " Napapitlag pa siya ng makita sa harapan niya si Denise,pinilit niyang ngumiti.
"Ano yun? Pasensiya ka na mukhang nagugutom pa si kuya. " Inabot niya ito sa braso saka niyakap ito.
"Kuya tantan? Gutom ka po?"
Tumango siya kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
"Gusto mo po ikuha kita ng pagkain? O tawagin ko po si nanay Flor?" Umiling siya, ayaw niyang makita ni Denise ang lungkot sa mga mata niya, ayaw niyang malaman nito na natatakot siya na baka nga magkahiwalay na sila.
"Kuya tantan, ok ka lang po?" Inosenteng-inosente ang tanong nito kaya tumango siya, narinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto nila kaya naman tumayo na siya saka niya binuhat si Denise at inuupo sa kama niya, at lumuhod doon saka niya matamang tinitigan ang nagtataka nitong mukha.
"D-denise, sana kapag-umuwi ka sa inyo ,hindi mo ko makalimutan, kasi malulungkot ako, kaya mangako ka na maalala mo pa rin ako ha?" Pinigil niya ang mapiyok ,ngumiti naman si Denise saka siya niyakap sa leeg, at humiwalay.
"Pinky promise, hindi po kita kakalimutan kuya tantan." Bibong sagot nito, itinaas pa nito ang kamay,nakatiklob ang apat na daliri nito habang nakaangat ang hinliit, ginaya niya ito.
"Ok, promise mo yan." Saka niya kinawit iyon, matapos noon ay inabot niya ang ulo nito at hinalikan ang noo nito.
"Mamimiss kita Denise.."
Nagtaka naman ang mukha nito, at ikiniling pa ang ulo .
"Bakot naman po kuya? Hindi pa naman po kami aalis, sabi ni mama matagal pa kami uuwi sa bahay ." Inosenteng sagot nito, pinilit niyang ngumiti saka ibinaba niya ito sa kama.
"Halika na ,hinihintay ka na nila." Hawak niya ang kamay nito na binuksan niya ang pinto, una niyang nakita ang ama at sa likod nito ang umiiyak na ninang niya.
"Mama,bakit po kayo umiiyak?" Binitawan niya si Denise at lumapit sa ninang niya, binuhat ito ng ninang niya saka nagpunas ng luha.
"Wala baby, happy lang si mama, kasi magbabakasyon tayo." Napatingin siya sa ama, at kagaya niya may lungkot sa mga mata nito.
"Talaga po? Excited na po ako mama, kasama po ba sila kuya tantan?"
"Hindi baby, kasi iba ang kasama natin."
Napatalikod na siya dahil hindi niya mapigilan ang biglang maiyak, kung para saan hindi niya alam.
"Ganun po? Saan naman po mama?"
"Sa malayo, sasakay tayo ng airplane, d-diba gusto mong makasakay sa ganon?"
Naglakad na siya papasok sa loob ng kuwarto niya, ayaw niyang makita siya ni Denise na umiiyak dahil sa pag-alis nito.
His heart was breaking knowing that the girl, he cares and protect once in his life, will leave him. Denise made him to be a brother, a hero, and a kid that he never felt before.
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...