Nagulat si Ithan ng bigla siyang salubingin ng yakap ni Denise, nasa kuwarto siya ng bigla itong pumasok.
"Hey are you ok? " Naramdaman niya na mas sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya,may sapat na espasyo sila dahil sa hindi kalakihang tyan nito, ginantihan niya ng yakap si Denise saka hinagod niya ang buhok.
"Thank you Ithan, thank you.. " Tumingala ito saka ngumiti sa kanya at base sa nakikita niyang saya nito ay nakita na nito ang likod bahay.
"Do you like it? "
"No.. I love it! Thank you so much Ithan. " Ngumiti siya ng malawak,what Denise make happy also make him happy.
"Your welcome, as long as I made you happy. " Ngumiti ito sa kanya, akala niya ay tapos na ito sa pagpapasalamat pero natuod siya sa sunod nitong ginawa.
Tumingkayad ito saka walang pasabi na hinalikan siya sa mga labi, dampi lang iyon pero halos magwala ang puso ni Ithan at halos magpatulala sa kanya.
"You know what, I already like you.. Hindi pala, kasi pakiramdam ko, nahuhulog na ko sayo. " Napatitig siya sa nakangiting si Denise at matapos iyon marinig ay ginawa niya ang bagay na alam niyang matagal na niyang gustong gawin.
He cups her face and for just a second ay magkahinang na ang mga labi nila, he kiss her with so much passion and care . Sa simula ay hindi tumutugon si Denise pero ng gumanti ito ng halik kay Ithan.
Kapwa habol ang hininga na naghiwalay sila saka siya napangiti ng makita ang mga asul nitong mata, nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
"I love you Denise, maghihintay ako. Maghihintay ako na mahalin mo na ko ng tuluyan. " Hinalikan niya ito sa noo, saka binalingan ang may umbok na tyan nito, hinawakan niya iyon. "Baby, konti na lang, mamahalin na ko ni mama, kaya baby help papa ok?"
Narinig naman niya ang pagtawa ni Denise na ikinangiti niya saka binalingan ang babae.
"Mukhang kakampi mo ang anak natin." Biro nito.
"Syempre, ako ang kaya ang papa niya, diba baby? " Nakangiti niyang binalingan ang umbok na tyan ni Denise, dahil sa saya ni Ithan, hindi na niya napansin ang sandaling lungkot na bumalatay sa mukha ni Denise pero mayamaya ay ngumiti rin ito.
"Halika na, I made you breakfast. O bago ka magreact, tinulungan ako ni nanay, kaya hindi ako napagod promise. " Napapailing na lang si Ithan, alam talaga ng asawa kung pano siya mululusutan.
Kaya naman magkahawak kamay na silang bumababa ng hagdan at kapwa hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi.
Maybe Denise heart was not for him yet, but he feels it,konti na na lang, mamahalin na siya ni Denise.
Take one step again, and maybe its will be a step to a forever..
---
Napadiin ang hawak niya kay Denise , nasa clinic sila kung saan ngayon ang ultra sound ni Denise, para malaman nila ang gender ng baby nila. Hindi niya inaalis ang tingin sa monitor."This is the head, yan ang ilong ng baby ,ok naman ang bibig niya , two hands, and the two feets.. Normal naman ang heartbeats niya. " Nahigit ni Ithan ang hininga saka napabaling kay Denise kagaya niya ay halatang kinakakabahan na rin ito.
"A-ano pong gender niya dok? "
"Its a boy, congrats Mr. And Mrs. Mortis, its a baby boy, at wala naman akong nakikitang problema sa posisyon niya ,in time madedeliver mo siya ng maayos." Tumango si Denise, siya naman ay tahimik lang na tinititigan ang monitor.
Ilang sandali lang ay lumabas na sila at wala pa rin siyang kibo, kaya naman parang nabahala si Denise. Magkahawak kamay silang naglalakad sa parking lot ng hawakan siya nito sa braso niya.
"Ithan, ok ka lang ba? " Napalingon siya kay Denise at nakita niya na napasinghap ito, paano ay nakita nito ang pagtulong luha niya pero mabilis niyang pinalis iyon sa niyakap niya ito.
"Princess, hindi mo lang alam kung gano ako kasaya. I can express it, but I know, i love him.. Mahal ko ang anak natin, mahal ko kayo." Maramdamin niyang saad dito,ngumiti ito saka niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat Ithan,salamat dahil pinaramdam mo sakin at sa baby ko na mahal mo talaga kami. " Nilayo niya ito saka hinalikan sa noo. Nagtama ang mga mata nila saka sila parehong ngumiti, hinawakan niya ang pisngi nito saka isang maingat na halik ang iginawad niya kay Denise.
"Mahal kita Denise, at lahat ng sayo mahal ko,your best and your worst, mahal ko.. I love you princess." Nakangiti niyang saad, nakangiti ito saka matama siyang tinitigan.
"I always thanks God dahil ipinakita niya saakin ang mas magandang dahilan kung bakit kaylangan mang yari lahat ng ito, because I was meant for you Ithan,and now I realized one thing that ...I love you too Ithan.."
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...