Nagtaxi na lamang pauwi si Ithan at Denise, hindi kasi kaya ni Ithan na makita na giniginaw ang kanyang kinakapatid. Pagbabang nila ay saka naman paglabas ng ninang niya sa pinto ng bahay.
Nagulat pa ito ng makita na nasa tapat na sila ng gate, mabilis nitong binuksan ang gate ng bahay.
"Bakit-- Denise! Anak, anong nangyari sayo? " Halos mag-alala ang ninang niya ng makita ang itsura ni Denise, kaya mabilis nitong kinuha si Denise at sumunod na lang siya ng pumasok na ito sa loob.
Dumiretso na muna siya sa sariling kuwarto saka naligo at nagbihis. Dumaan siya sandali sa kuwarto ni Denise, naawa naman siya ng makita na balot ito ng kumot habang may basang bimpo sa noon, hindi niya na ito nilapitan dahil nakita niya itong tulog. Isinara na lamang niya ang pinto saka hinanap sa baba ang kanyang ninang.
"Ninang." Tawag niya sa ninang Don niya na nakatalikod habang nasa kusina. Bahagya siyang nilingon nito saka muling bumalik ang mata sa ginagawa.
"Ithan, ikaw pala. Halika , ano bang nangyari kay Denise? Bakit basang basa siya? Imposible naman na naligo iyon sa ulan dahil hindi naman umulan kanina. " Umupo siya sa isa sa mga stool sa kusina ,nakita niya na nagluluto ang ninang niya.
Napabuntung-hinginga na lang siya ng makita ang eksena na nasaksihan kanina.
"Nakita ko po kasi siya kanina, may kasamang tatlong medyo mamalking babae, sa tingin ko mas matanda po sa kanya ng mga ilang taon , tas nung papalapit na ko, nagulat ako ng makita kong bigla na lang binuhasan nung babae ng tubig si Denise." Pagkukuwento niya sa ninang niya.
"Gano ba kadaming tubig ang nakita mo at basang basa si Denise?" Bigla naman siyang napaisip saka niya lang naalala ang isang timba na nakataob sa gilid ni Denise ng lapitan niya ito.
"Tssk, mga batang yon." Hindi niya mapigilan ang mapamura sa isip na maaring nabuhusan na ng isang timbang tubig si Denise bago pa niya nakita na binuhusan ito ng isa pang bote ng tubig.
"Hay naku, sige hayaan mo . Mamaya ay tatawag ako sa school at irereport ko ang mga batang yun, para bukas na bukas ay magkaharap harap kami ng mga parents ng mga batang yun. " Napatitig naman siya sa likod ng ninang niya, hindi niya maiwasan na humanga sa katatagan nito,kitang-kita niya kung gaano itong katatag at katapang na ina para kay Denise.
"Sige po ninang, sasama po ako. " para pagsakaling makita kong ginawa nila ulit iyon ay mayayari na sila sakin. Pero hindi na niya sinatinig ang nasa isip alam naman niyang pagsasabihan lang siya ng ninang niya.
"Eto kumain ka, nagluto ako ng sopas. Mukha kasing nababad ang likod ni Denise sa basa at ayon nilalagnat." Napatingin siya sa umuusok pa na sopas na isinerve sa kanya ng ninang niya.
"Teka po ninang."
"Bakit?"
"Ako na lang po mamaya ang magpapakain kay Denise, tulog pa naman po siya. "
"Hindi, sige na kumain ka na diyan, saka paiinumin ko pa siya ng gamot at doon rin naman ako matutulog sa kuwarto niya. " Ngumiti sa kanya ang ninang niya, wala naman siyang nagawa .
"Sige po ninang." Naglakad na ito dala ang tray ng sopas samantalang siya ay naiwan at nakatitig pa rin sa sopas.
Hindi maalis sa utak niya ang pag-aalala sa kinakapatid kahit na sabihing simpleng lagnat lang ang nararamdaman nito.
Tssk,kapag nalaman kong may iba pa silang ginawa kay Denise ay sisiguraduhin kong hindi nila magugustuhan ang gagawin ko.
Alam ni Ithan na napaka-immatured niya kung papatulan ang tatlong babae pero hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit galit na galit sa tatlo.
Nagdesisyon na siyang kainin ang sopas na inihanda ng kanyang ninang.
Pag-akyat niya sa kuwarto niya ay agad niyang tinawagan si Karl.
"Yow bro? Kamusta?"
Hindi siya sumagot pero napabuntong-hininga siya .
"Bro, ano yun? Nalulunod ka ba? Ang lalim ."
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay labis siyang naapektuhan sa nangyayari sa kinakapatid.
"Bro.. listen. ." Nagkuwento lang siya at naramdaman marahil ni Karl na seryoso siya sa bagay na gusto niyang sabihin dito . Ilang minuto na siya lang at nagsasalita, kikibo lang ang kaibigan niya sa tuwing tinatanong niya kung nadoon pa ito.
"..so tell me what do you think?"
Hinintay niya ang respond ni Karl. Narinig niya na bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. Maaaring hindi rin nito alam ang sasabihin pero ilang sandali lang ay nagsalita ito.
"Bro, you like her because you never have a siblings and you care that much, because you settled to yourself that protecting her, will least your guilt. Knowing that you find out she was not your godmother's child.. "
Gusto niyang hangaan ang mga salita ni Karl. Ngayon niya lang narinig na nagsalita ng ganoon ang kaibigan niya.
".. but bro, get some distance. Remember, you will leave them . "
Para naman siyang napako sa sinabi ni Karl. Tama ito aalis rin siya pero bakit pakiramdam niya ay ayaw na niyang umalis sa poder ng mga ninang niya lalo na kapag naaalala niya na malalayo siya kay Denise.
He felt somethings stranger in his chest.
Why do I feel pain?
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
Ficción GeneralHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...