Park

3.5K 100 1
                                    

Saktong isang linggo simula ng gumaling ang mga paa ni Denise, hindi nga akalain ni Ithan na masasanay siya nabuhatin ang kinakapatid sa tuwing may pupuntahan ito. Kaya nga hindi niya akalain na matatapos ang ilang araw na pagbubuhat niya dito, pero masaya na rin siya dahil magaling na ang kinakapatid niya .

"Denise, wag kang masyadong tumakbo. Baka madapa ka naman niyan." Napapailing na lang siya habang tinitignan ang kinakapatid na balik na naman sa dati, makulit at bibo na naman ito sa paglalaro .

"Kuya tantan, seesaw tayo. Dali na po tara na. " Hindi na siya nakapalag ng hatakin siya nito mula sa bench na pinagkakaupuan niya.

Gusto niyang matawa sa seesaw na sinasabi ni Denise, dahil ni hindi ata makakayang dalin ng seesaw na iyon ang bigat at laki niya, mukha talagang mukha lamang iyong pambata.

"Ayokong sumakay diyan. "

"Bakit naman kuya? Sige na wala akong ibang makalaro. Ikaw na lang kuya. "

"Ayoko,baka masira ko pa yan pagsumakay ako diyan"

"Sige na kuya"

"Ayoko"

"Please!" Natawa naman siya dahil nagbeautiful eyes pa sa kanya si Denise.

"Ang kulit mo talaga. " Nakangiti na niyang saad dito.

"Alam ko po, pero mabait naman ." Natawa ulit siya sa sinabi nito.

"Oo na, basta alam ko makulit ka" Kinurot niya pa ito sa pisngi. Napahigikhik naman si Denise saka mabilis na umikot para sumakay sa seesaw.

"Denise!" Sabay pa silang napalingon ni Denise sa tumawag dito. Nakita naman niya ang isang batang lalaking papalapit sa pwesto ni Denise.

"Louie." Naalala naman niya agad ang batang tinawag ni Denise, napakunot-noo siya ng makitang may inilabas na isang plastick ang batang lalaki mula sa bag nito.

"Eto,para sayo. Nabalitaan ko kasi kaya ka daw absent kasi nalaglag ka sa hagdan. Magaling ka na ba?" Bukod kasi sa valley class na pinapasukan ni Denise ay pumapasok rin ito sa isang summer class kung saan inaadvance ang mga bata para sa mga lesson na itatake pagdating ng pasukan.

"Oo,kasi magaling ang kuya Tantan at si mama mag-alaga. " Napangiti naman siya sa sinabi ni Denise sa kaibigan.

"Siya ba ang kuya Tantan mo?" Nakita niya na tinuro siya ni Louie kaya lumapit na siya dito. Nakita niya na bahagyang umatras ito.

"Ako nga pala si Ithan, kuya ni Denise. " Ngumiti siya dito pero seryoso lang na nakatingin sa kanya si Louie saka tignan si Denise .

"Kuya mo siya? Magkapatid kayo? Bakit hindi mo siya kamukha?"

"Oo, basta kuya ko siya. " Sinilip naman ni Denise ang plastick na ibinigay ni Louie.

"Ganun? Sige, aalis na ko. Mag-iingat ka. Byebye Denise." Gusto niyang matawa sa inasal ng batang lalaki . Hindi na nga siya binate ay hindi pa siya tinignan.

"Mukhang ayaw sakin nung kaibigan mo." Tumingala naman sa kanya si Denise.

"Sino po ? Si Louie? Lahat naman po ng tao ayaw nun. Kaso nagtataka ako kasi binigyan niya ko ng apples . Dati lagi niya kong inaaway . "

"Baka naman ikaw ang umaaway sa kanya kita mo nga , binigyan ka niya ng apples." Tinuro pa niya ang apples na nasa plastick. Ngumuso naman ito kaya napangiti na lang siya sa kacutetan nito.

"Hindi po , sabi ni mama bad ang mang-away." Depensa pa sa kanya ng kinakapatid.

"O sige na. Hindi na basta wag ka ng ngumuso. Nagiging kamukha mo yung tilapiang ulam natin kahapon." Natawa naman siya ng sumibangot naman ito.

"Kuya tantan naman ee.. "

"Biro lang. Tara na uuwi na tayo. " Binuhat niya ito , kaya magkapantay na ang mukha nila. Ngumiti ito bago niyakap ang mga kamay nito sa leeg niya saka siniksik ang ulo nito sa balikat niya.

Malapit lang naman ang park sa bahay nila dahil nasa loob lang naman iyon ng village.

"Ithan, nakatulog na pala yang si Denise. Akin na at iaakyat ko na." Ibinigay naman niya sa ninang Don niya ang natutulog na si Denise .

Tumungo agad siya sa kusina para uminom ng tubig.

"Ithan." Napalingon naman siya ng tinawag siya ng kanyang ninang Don.

"Bakit po?"

"Itatanong ko lang sana kung ayos lang sayo na magkasama kayo ni Denise sa iisang school?"

Sandaling nag-isip siya. Pabor sa kanya ang gusto ng ninang niya, makakasabay siya dito kapagpapasok na ito at si Denise, saka malapit lang ang school niya sa bahay ng ninang niya.

"Sige po ninang. "

"Sige sa makalawa ay sumabay ka na. Hindi ko na kasi itutuloy ang summer class ni Denise kasi malapit na rin ang pasukan."

"Sige po ninang." Tumango lang sa kanya ang ninang niya. Paalis na ito ng biglang may maitanong siya.

"Ninang, si Denise. Anak niyo po ba talaga siya?" Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang tanong niya sa ninang niya.

Lumingon ito at bakas gulat sa mukha nito.

"Naku, pasensiya na ninang. Kalimutan niyo na po yung natanong ko." Napakamot na lang siya sa ulo. Hindi siya chismosong lalaki pero hindi niya lang napigilan ang biglang itanong iyon sa ninang niya.

Nakita niya na parang nalungkot ito saka umupo sa isang upuan sa kusina.

"Akala ko hindi mo mapapansin." Siya naman ang nagulat sa sinabi ng ninang niya.

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon