Missing

3K 86 0
                                    

Hindi pinakinggan ni Ithan ang sinabi ng ama, dahil ilang araw niya pa ring pilit tinatawagan ang ninang niya.

"Bro ano ba yan? Dinaig mo pa ang call center kakatawag sa ninang mo. Bakit ba hindi ka na lang sumunod sa dad mo?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit ayaw na ni dad na tawagan ko si ninang." Hindi niya inaalis ang paningin sa monitor ng laptop, nasa school sila at break time nila ,sa ilang araw na hindi niya matawagan o mavideo call ang ninang niya ay mas nag-aalala siya lalo na at kahit tanungin niya ang ama ay palaging sinasabi nito na sumunod na lang siya.

"Alam mo naniniwala na talaga ako, your being paranoid, saka pwede ba asikasuhin mo muna ang report natin, baka kelan gragraduate tayo ay saka pa tayo magkaroon ng 7." Hindi niya pa rin ito pinansin, kaya patuloy na siya sa pagtry na makontak ang ninang niya.

"Busit!" Nahampas na niya ang ibabaw ng lamesa kaya naman napatingin na sa kanila ang ibang nasa canteen ,samantalang si Karl ay nakangising nakatingin lang sa kanya.

"Bro, malala ka na, patingin ka na. Wag mong sabihin sakin na idi-deny mo parin na hindi gusto mo ang kinakapatid mo." Nakakalokong ngisi nito, pero naiinis na tumayo siya saka sininop ang laptop niya .

Naiinis na siya at ayaw niya ng pakiramdam niya, naiinis na siya dahil hindi niya maintindihan ang ama niya kung bakit biglang hindi na niya kaylangang kontakin ang ninang , at naiinis siya sa ninang niya dahil kahit anong gawin niyang pagvivideo call ay hindi sumasagot ang mga ito.

"Badtrip! Badtrip talaga!"

Higit sa lahat naiinis siya sa sarili , bakit ba ang kulit niya ?! Bakit ba hindi na lang niya sundin ang ama niya kesa magpumilit siya?!

Kinalimutan mo na ba ko ? Hindi mo ba namimiss ang kuya?
-----
Napapailing na tinignan niya ang palalayong kaibigan na si Ithan.

Saka napapailing siya, tama ang tito Ian niya. Ithan was out of focus at kahit siya ay nakikita iyon, hindi ganon ang kaibigan niya , dati ay grade conscious ang kaibigan niya.

"Kawawang Ithan, nawawala sa focus dahil sa isang bata." Naiiling niyang turan saka tumayo na rin. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang tito Ian niya.

"Hello tito. "

"Yes Karl? Any news about Ithan? "

"Same as ever tito,  pinipilit niya pa din macontact si Denise. "

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng tito Ian niya, hindi naman sila related ng lalaki at kahit kaibigan niya noon si Ithan ay ilag siya sa ama ng kaibigan dahil na rin sa mukhang lagi itong galit at parang palagi silang sisitahin ni Ithan. Kaya nga nagulat siya ng tawagan siya nito ng isang araw akala niya ay pagsasabihan siya nito dahil last time na nakausap niya ito ay dinala nito si Itha sa probinsya.

"Ok thank you Karl."

Pinatay na nito ang tawag, siya naman ay nakapamulsang naglakad.

Tsk, masyado kasing sineseryoso ang bagay yan tuloy na-inlove,  ako..  Malabong maging praning na kagaya niya.

----
Days, weeks and months have passed, at tuluyan na ngang hindi na niya nakontak ang mga ninang Don niya.

"Ithan, naisip mo na ba ang course mo? "

Nasa hapagkainan sila ng ama niya ng biglang magsalita ito.

"I take B.A , I wanted to take over our business dad. "

Nakita niya ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ng ama,  alam niyang iyon talaga ang gusto ng ama at para kay Ithan,  walang masama kung ibibigay niya ang gusto ng ama, dahil kahit naman siya ay wala pang naiisip na course kundi pa nga sa suggest ng kaibigang si Karl ay baka wala pa siyang maisagot sa ama ngayon.

"Good choice. " Bumalik na sila sa pagkain,  katahimikan ang namayani sa kanila.

"Ithan.. " Nag-angat siya ng paningin.

"Yes dad? "

"About Denise..  " Natigilan naman siya saka umupo ng tuwid, matagal na rin kasi na walang binabanggit ang ama niya tungkol sa ninang niya at kay Denise.

"Kamusta na po sila? Nakausap niyo na po ba sila?" Alam niyang napansin ng ama niya ang pagsigla ng boses niya .

"Son.." Nakita niya na bigla ay parang may lungkot sa mga mata nito, at para bang nag-aalangan ito na magsalita.

"Bakit po dad?" Nawala naman ang ngiti niya dahil sa itsura ng ama niya.

"Hindi ko alam kung dapat ko pangsabihin sayo ito, but seeing you like that, waiting for Denise or your ninang Donna to answer your video call I felt guilty, and I think this is the right time to said it.." Humugot ito ng isang butong hininga saka matama siyang tinitigan,  bigla naman bumundol ang kaba sa puso niya dahil sa sinabi ng ama.

"Son , Denise was missing.."

What the?!

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon