Katulad nga po ng sinabi ko, i-eedit ko po lahat-lahat kasi babaguhin ko po ang flow ng story. So basahin nyo nalang po po mula sa simula.
------------------
Sukang-suka na talaga ako sa mga love story at hugot.
Paulit-ulit ko nalang naririnig sa karamihan. Nakakarindi na rin at medyo---nakakainis na.
Wala na bang ibang pwedeng pag-usapan sa social media tulad ng inflation rate sa Pilipinas? Drugs? And other important things? Puro nalang kasi pag-ibig eh. Kasuka-suka.
Pati ba naman sa kalsada may makikita kang magjowang naglalampungan ?
They should have just get a room.
Kasawa ng makita yang mga sweet-sweetan na yan, di naman magtatagal at magbi-break din.
.
.
.
Halos magda-dalawang taon nang bato na ang puso ko mula sa sunod-sunod na epic na love life. Nakakasawa ng magmahal at MAGTIWALA ULIT.Pero hindi ako tumulad sa ibang sawi na nagloloko. Hindi ko kailangang manakit ng iba dahil lang nasaktan ako, hindi na ako IMMATURE. Mas pinili ko nalang manahimik, umiwas at balewalain ang mga lalaking sinusubukang pumasok sa buhay ko.
Hindi naman sa ayaw ko na talagang magmahal ulit...sabihin nalang natin ngayon na naghihintay nalang talaga ako ng tamang tao para sakin. Hindi ko naman kasi isinara ang posibilidad na may dumating...hindi ko lang alam kung magiging madali.
Janelle's POV
Nagmula ako sa isang ordinaryong pamilya. Di ko nga lang alam kung matatawag pa ba itong ORDINARYONG pamilya kasi kami nalang ng Kuya John ko ang nakatira dito sa bahay namin.
Si mama, may ibang pamilya na. Nag-asawa sya ulit nung nawala si papa 10 years ago. 11 years old ako nun at si Kuya John ay 18. Sa aming mga anak iniwan ni papa ang bahay kaya nung nag-asawa ulit si mama di na sya tumira kasama namin, mas pinili nyang sumama dun sa kung sino mang lalaki nya.
Iyak lang ako ng iyak noon habang pinipilit si mama na mag-stay nalang samantalang si Kuya ay galit na galit. Hindi nya matanggap ang ginawa ni mamang pagpalit kay papa.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...