"Grabe ang sayaaaaaa!!!" Saad ko pagkalabas namin sa World of Fun.
Ang dami kong bitbit na stuffed toys. Ang galing kasi naming lahat. Hahaha. Si Vienna lang yung medyo mahina kasi mahinhin sya kumilos pero lahat kami palaban sa paglalaro. Halos lahat kami ay may bitbit na pinanalunan.
Nagpapaligsahan din kasi si Jake at Ardy sa basketball kaya sobrang daming naipon naming tickets. Lahat ng laro, nilaro na namin. Haha. Para kaming mga elementary graders na nakatakas mula sa parents.
"Thank God, you enjoyed it." Sabi ni Vienna na ang lawak-lawak ng ngiti sakin.
Wooooooo!!! Ngayon nalang ulit ako nakaranas ng ganitong saya. Sobrang nag-enjoy talaga ako.
At ang mas nakakatuwa pa...LIBRE NILA LAHAT!!! HAHAHA.
"Salamat sainyo." Tanging nasabi ko nalang at yumakap kay Vienna.
"So ano? Galit ka pa ba kay Kuya John?" Tanong ni Kim.
Nginitian ko sya at umiling.
"Hindi. Hindi naman kasi ako galit sakanya. Naiinis lang ako sa mga biro nya kaya hindi ko sya pinansin kanina." Sagot ko.
"That's good to hear. Buti naman at effective yung sinabi ni Kuya John." Singit ni Jake. Tumango nalang ako sakanya."Pahinga na muna tayo." Pahabol nya at umupo lang sa sahig ng mall.
"Uy Jake, tumayo ka nga jan. Para kang grade 1 na kung saan saan lang umuupo." Saway sakanya ni Kim habang hinihila-hila si Jake.
Lumalabas ang pagiging sister material nya kahit mukha syang bunso. Hahaha. Ito namang si Jake ay ayaw paawat at talagang nag-indian sit pa.
Gumaya rin sakanya si Ardy at nilapag yung mga bitbit nya.
"Ardy???" Inis na sambit pa ni Kim. Para talaga syang ate na naiinis sa mga kapatid nyang pasaway. Pinagtawanan lang naman sya ng dalawa.
"Are you really that tired to sit there? Haha. Both of you looks like a kid, seriously." Sabi ko sakanila habang tumatawa.
"Parang hindi ka naging bata kanina ah. Hahaha. Dinaig mo pa nga ang 5 year-old kid, talon ng talon habang pumapalakpak pa. Hahaha." Sagot nya sakin at talagang tumayo pa para gayahin ang mga pinag-gagagawa ko kanina.
Tawa naman ng tawa silang lahat na parang kami lang ang tao dito sa mall. Si Ardy pumapalakpak pa habang tumatawa. Mga bwiset ito, pinagkaisahan ako.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...