Janelle's POV
Ilang linggo na ang nakalilipas nung unang beses na sumama sa amin si Ardy na magsimba at mag-grocery pagkatapos.
Simula noon ay halos walang palya na syang sumasama samin sa mga ginagawa namin ni Kuya linggo-linggo. Halos every weekend nga eh nandoon sya samin tumatambay. Minsan doon nya na samin ginagawa ang mga gawain nya sa school.
Nakasama naman sa amin sina Kim, Naomi, Vienna at Jake na magsimba pero isang beses lang dahil nagsisimba rin daw sila ng sari-sarili nilang mga pamilya. Ito lang talaga si Ardy ang ayaw sumama kina Mam Milley magsimba dahil nakakaantok daw ang afternoon mass. Madalang lang rin naming nakakasama yung apat kapag Saturday dahil busy daw sa kung ano-anong mga bagay.
Ngayon ay Friday at holiday. HAHA. Kaya it's a looooooooong weekenddddddd!!!
At ngayon lang din nagka-oras itong sina Kim kaya ngayon nalang din kami nagkasama-sama ulit ng medyo matagal.
"Agahan nyo bukas ang pagpunta dito ah." Biglang sabi ni Ardy na nakasandal sa sofa at nakataas ang dalawang paa sa center table.
Ganyan na sya ka-komportable dito sa bahay.
"Why? What for, Ardy?" Tanong ni Vienna na saglit lang tumingin kay Ardy dahil nanonood sila ng T.V. nina Naomi.
"We're going somewhere." Matipid nitong sagot at isinandal na ang ulo nya sa sofa at nakatingala sa kisame.
"Where exactly ba? Tsaka gaano kaaga?" Tanong na naman ni Vienna.
"Kakain tayo sa Casa." Sagot naman ni Ardy dahilan para sabay-sabay mapatingin sakanya ang apat. "My treat." Nakangiting dagdag pa nito. Napapalakpak naman sa tuwa si Naomi at Kim.
"Talaga? You must be kidding me bro. Seryoso ka jan? HAHA. Bakit? Hindi naman namin nire-request ah." Singit ni Jake.
"Nangako kasi ako kay Kim na ililibre ko kayo sa resto namin. Ngayong weekend lang naman tayo naging available lahat kaya naisipan kong bukas nalang tayo kumain doon." Sagot nya.
"May I ask why? Hindi naman sa nagrereklamo ako ah pero kasi...bakit all of a sudden manlilibre ka? HAHA." Si Vienna.
"Hindi ba naikwento sainyo ni Kim?" Takang tanong ni Ardy. Umiling naman sj Vienna bilang sagot at napatingin kay Kim.
"Pambawi nya lang yan satin." Nakangiting sagot ni Kim kay Vienna. "Nauna na kasing kumain YANG DALAWANG YAN doon. NANG SILA LANG AH. Take note...SILANG DALAWA LANG." Pagdidiin nya pa at nagpalipat-lipat saming dalawa ni Ardy ang tingin nya habang nakataas ang isang kilay.
Sabay naman kami ni Ardy na napabuntong-hininga at napasinghal pa ako.
"Nag-date kayong dalawa dun? HAHAHA. Uy ah. Bakit di namin alam yan? Ha?" Nang-iintrigang singit naman ni Naomi.
Mas napasinghal ako at napailing-iling pa sa sinabi nya.
"Hindi yun date, okay? Kumain lang kami at may mga pinag-usapan. Yun lang yun." Sagot ko na sakanila.
"Yeah, she's right. There was just a misunderstanding between us kaya niyaya ko syang kumain sa labas at pag-usapan yun." Pagsasang-ayon ni Ardy.
"Eh ano namang misunderstanding yun? HAHA. Bakit sa labas pa talaga? HAHAHA. Ang sweet naman." Singit na naman ni Naomi na hindi na mawala-wala ang ngiti sa labi nya.
Ito yung mahirap magkwento sakanila eh. Pinangungunahan sila ng kung ano-anong ini-imagine nila kaya mahihirapan ka talagang magpaliwanag lalo na't ang dudumi't lilikot ng isip.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
Hayran KurguThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...