A WEEK LATER.Janelle's POV
"Hi." Nakangiting bati ko kay Chito kasabay ng pagbeso ko sakanya.
Kararating ko lang dito sa restaurant na napag-usapan namin.
"Hi." Bati nya pabalik. "You look perfect tonight." Dagdag nya pa kaya mas napangiti ako.
"Ngayong gabi lang ba?" Pabirong tanong ko sakanya na ikinalaki ng mga mata nya.
"HAHA. Nerbyoso pa rin. Tsk tsk." Napailing-iling pa ako sa naisip ko.
"N-no. Of course not. HAHA. Y-you look gorgeous as always naman. Mas maganda ka lang ngayon. Hehe." Natatarantang sagot nya.
"Hindi naman ba nasobrahan yung pagkaka-ayos sakin ng mga kaibigan ko?" Tanong ko habang inaalalayan nya akong umupo.
Agad naman syang umupo sa harap ko pagkatapos.
"Hindi. Hehe. Simple lang pero bagay na bagay sayo." Sagot nya.
"Tss." Singhal ko nung maalala ko ang mga pinag-gagagawa kanina nina Vienna. "Wala naman sana akong balak na mag-ayos. Mga OA lang talaga yung mga kaibigan ko." Kwento ko sakanya na ikinakunot ng noo nya.
"Bakit?"
"Pumunta sila sa bahay para ayusan ako. Tss. Paalis na dapat ako ng bahay pero bigla silang dumating at nilait yung jeans at T-shirt na suot ko." Sagot ko sakanya habang napapairap sa kawalan. "Pinag-dress pa ako ni Vienna. Tapos nilagyan naman ni Kim ng make-up ang mukha ko. Ito namang si Naomi, inayos ang buhok ko." Inis at medyo nahihiyang sagot ko na ikinatawa ni Chito kaya tiningnan ko sya na nakataas ang isang kilay.
"HAHA. Maayos naman ang kinalabasan, ano pang kinaiinisan mo? It looks fine, I swear. Bagay sayo. Para lang rin namang natural." Sagot nya't napahugot naman ako ng malalim na hininga.
"Ang o-OA kasi nila. Parang makikipag-usap lang naman ako sayo, inayusan pa ako ng ganto." Sagot ko. "Tapos paglabas ko ng kwarto, pinagtawanan lang ako nina Kuya. Tss. Sabi pa ni Ardy, OA daw." Nakangusong pagpapatuloy ko.
"Hayaan mo na sila. We're here to enjoy and talk. HAHA." Sabi nya na sinang-ayunan ko nalang. "Nag-order na nga pala ako ng food." Sabi nya pa't tumango nalang ako't tiningnan ang mga pagkain sa table.
"Sya nga pala, pinaghintay ba kita ng matagal?" Pagbabago ko sa usapan.
"Mmm. Hindi naman." Sagot nya habang tinitingnan ang wristwatch nya. "Siguro 15 minutes lang naman akong mas maaga kesa sa pagdating mo." Dagdag nya pa.
"Akala ko pinaghintay kita masyado." Sabi ko na inilingan nya nalang.
"Dapat pala sinundo nalang kita sainyo para sabay na tayong pumunta dito." Sabi nya.
"Okay lang. Inihatid din naman ako dito ni Ardy." Sagot ko na ikinakunot ng noo nya.
"Inihatid ka nya dito?" Pag-uulit nya habang nilalagyan ng food ang plate ko.
"Mmm. Dapat nga si Kuya ang hahatid sakin dito pero nag-insist si Ardy na sya nalang daw." Kwento ko pa habang tinitingnan ang ginagawa nya.
"Saan mo ba nakilala ang Ardy na yun?" Kunot pa rin ang noo na tanong nya.
Tss. Ano ba ang kinaiinisan nila sa isa't isa?
"Sa daan?" Patanong na sagot ko sakanya. "Sa sakayan ng jeep sa may MU." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...