Mag-iisang buwan ng hindi namin nakakasama si Ardy na tumambay.
Madalas naman kaming magkita-kita nina Kim, minsan dito sa bahay, minsan sa kung saan-saan lang pero ni isang beses eh hindi namin nakasama si Ardy.
Sabi nya sakin tatawag sya pero hindi sya nakakatawag. Di naman ako tumatawag kasi baka sobrang busy talaga sya sa school, nadagdagan pa nung tutorial nya.
Kamusta na kaya sya? May improvements na kaya?
"Tara na bunsoy, alis na tayo." Yaya sakin ni Kuya at nauna ng lumabas ng bahay. Sumunod naman ako kaagad.
Linggo kasi ngayon, pupunta kaming simbahan tapos didiretso na rin sa mall para mag-grocery. Yan ang Sunday routine namin ni Kuya.
-
-
-
"Kuya, nakikita mo ba yun?" Pabulong kong tanong kay Kuya habang nakaturo sa isang direksyon. Nagho-homily na ang pari."Alin? Sino?" Tanong nya at pinipilit na makita ang itinuturo ko.
"Yung babae dun oh. Ang layo naman kasi ng tingin mo. Nandun lang sa may pangalawang upuan malapit sa main door."
"Bakit kelangan kong makita? Sino ba kasi yun?" Bagot na tanong nya.
"Para kasing si mama eh. Nakikita mo ba?" Sagot ko dahilan para mapabalikwas sya sa kinauupuan nya at mapatingin sa itinuro ko. Napatingin sakanya itong mga katabi naming matatanda. Nakita kong ikinuyom nya ang mga kamay nya.
"Hindi yan ang nanay mo! Mag-focus ka sa misa, sa sinasabi ng pari. Makinig ka nalang hindi kung sino-sino yang mga tinitingnan mo!" Inis nyang sagot sakin at bumalik sa pagkakaupo na magkasalubong ang dalawang kilay at naka-cross arms pa.
Hindi naman ako sigurado kung si mama nga yun eh. Nakatalikod kasi sa amin kaya di ko makita ang mukha.
Sinulyapan ko si Kuya na ganun pa rin ang itsura. Hindi ko nalang sya pinansin at nakinig nalang ako kay Father.
"Titingnan ko mamaya kung si mama nga yung nakita ko. Baka lumingon sya kapag nag 'peace be with you' na."
Kung si mama nga iyon, ibig sabihin sa malapit lang sya nakatira. Madali ko syang mahahanap.
"...peace be with you." Rinig kong sabi nung pari kaya di ko na pinalagpas ang pagkakataon.
"Peace be with you..." Sabi ko kay Kuya at humalik sa pisngi nya. Hinalikan nya naman ako sa ulo pero di ko na tinatanggal ang mata ko dun sa babae.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
Fiksi PenggemarThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...