Pagdating namin sa bahay, dumiretso ako kay Kuya.
Tiningnan nya ako at ang mga kasama ko na nakaupo na sa sofa at may kinakain ng chips.
"Si Ardy ba iyong nakikita ko ?" Tanong nya agad habang kinukurap-kurap ang mata nya."o dahil lang ito sa naka-inom na ako?"
"Kuya, kasama nga namin si Ardy. Biglaan yung pagpunta nya." Sabi ko sakanya habang nag-aalala sa gagawin nya.
Akala ko magagalit sya pero nakangiti nyang nilapitan si Ardy. Iniwan nya ang mga katrabaho nyang nagtuloy-tuloy lang sa inuman.
Sumunod naman ako kay Kuya.
Nang makita ni Ardy si Kuya, agad naman itong tumayo.
"Ardy !" Bati ni Kuya."What brought you here?" Masigla nyang tanong at nakipag-manly hug sakanya.
"Hi sir. It's nice to see you again. I just came here to kill the time. It's really boring at home." Masiglang sagot nya pabalik kay Kuya.
Ang bilis magkapalagayan ng loob ng mga lalaki noh ? Kahit kakakilala palang nila akala mo ang tagal na nilang naging magkaibigan kapag nagkikita.
"How did you get here ? Are you lost again ? Hahaha."
"No. I really came here. We got your address because of Janelle's phone number, we traced your location before so we can give her those flowers and chocolates." Nakangiting sagot nya kay Kuya.
"Flowers and chocolates galing kay Ardy para sayo Ja---" Sabat ni Kim pero pinigilan sya ni Vienna.
Napatingin sakanya sina Kuya at Ardy,pati na rin yung ibang katrabaho ni Kuya.
Bumalik ang nakakairitang ngiti ni Kim pero binawi nya rin agad nung tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Tumahimik ka na lang jan Kim, magagalit na naman yan sayo si Janelle." Pabulong na saway nito sakanya kaya tumahimik nalang ito at nag-peace sign sakin.
"Really ? Thank you for your efforts bro..." Pagpatuloy ni Kuya at ngayon ay nakipag-fist bomb naman sya kay Ardy. "And by the way, the chocolates tasted so good." Pahabol ni Kuya.
Oo, it really tasted so good dahil gusto nya na ngang ubusin. Tss.
"That's good to hear. I'm glad you also liked it." Sagot ni Ardy.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanficThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...