Chapter 2

191 4 1
                                    

Janelle's POV

Mabilis kong binuksan ang pinto at hahatawin ko na sana nang bat yung lalaki nang...

"Pri---??? Lintek!"

Anong ginagawa ng gagong ito dito ?!

Makita ko lang ang mukha nya, nanggagalaiti na ako sa galit. Bumabalik lahat ng pananakit nya sakin.

"Janelle." Tumayo sya bigla at niyakap ako.

Ano toh ?

Nakakairita!

Tinulak ko sya hanggang sa napaupo sya sa sahig. Ang kapal naman ng mukha nyang magpakita pa sakin dito ! Pagkatapos ng ginawa nya saking kagaguhang dem**** sya.

Tumayo sya at lumapit ulit sakin, ngayon di ko na hinayaang mahawakan nya pa ako ulit. Sinampal ko na sya!

Alam ko ring may impluwensya sya ngayon ng alak. Kitang kita sa kilos nya at amoy na amoy rin.

"ANG KAPAL DIN NAMAN PALA TALAGA NG MUKHA MO NOH ?! BAKIT KA NANDITO ?! ANO NA NAMAN BANG KELANGAN MO!? HA?!" Sigaw ko sakanya.

"I want you back." Direktahan nyang sabi sakin kaya napabulalas ako.

"Hahahaha. Pu**** *** mo! Umalis ka na. Kung ano-ano na namang kagaguhan yang pinagsasasabi mo."

"Hindi ako nakikipaglokohan Jaja. Look, alam ko nagkamali ako noon pero sobrang pinagsisisihan ko na yun."

Bwiset! Gusto kong magmura ng magmura. Grrrrrr! Ha***!

Tinakot nya pa ako kanina, kala ko masamang tao na. HINDI, MASAMANG TAO pala talaga sya.

Nanira pa sya ng paso namin. Pansin ko kasing may basag na paso dun sa tabi ng inupuan nya kanina.

"Sorry pero wala na akong oras makipag-usap pa sayo. Hindi ako interesado. Umalis ka na Primo. Matapos ang lagpas isang taon, ngayon magpapakita ka ulit sakin tapos yun ang sasabihin mo? You want me back? HAHAHA. Lasing ka na nga." Malamig kong sagot sakanya, wala ring emosyon ang mukha na ipinakita ko.

Akmang isasara ko na ang pinto ng hinarang nya ang braso nya. Bwiset, kung masamang tao lang talaga sana ako, hinayaan ko nalang maipit yung braso nya sa pinto.

"Ano ba?! Hindi ka na ba nakakaintindi ngayon Primo? Ha? Ayan ba ang naging epekto sayo ng pagiging ama ng dinadala ng bestfriend ko? Oh, erase that, EX bestfriend pala." Ayan sige, namnamin mo ang mga sinabi kong ha*** ka. Traydor! Manloloko! Makati!!! Bwisettttttt!!!

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon