Janelle's POV
Inabot si Kuya ng halos dalawang oras bago nakabalik samin.
Pagkarating niya sa bahay mula kina Ardy ay kinwento nya sakin ang naging reaksyon daw ng tita nito.
Mukha namang hindi pinagalitan si Ardy dahil tuwang tuwa pa si Kuya pagdating nya.
"Alam mo ba Ja?" Dagdag pa nito at sandaling sumulyap sakin. Sa tono ng pananalita nya para syang bata na sobrang nasiyahan sa mga nakita nya. HAHAHA.
"Oh?" Bored kong tanong habang nakatingin sa mga kuko ko.
Nandito kami ngayon sa sala at parehong nakasandal ang katawan sa sofa. Hawak-hawak nya pa ang susi ng sasakyan at pinaglalaruan ito sa mga daliri nya.
"Ang laki pala ng bahay nila Ardy. Medyo may kalayuan nga lang mula satin pero bunsoy, grabe..." Bahagya nya pang ibinuka ang mga kamay nya at tumingala na parang manghang mangha sa mga nakikita nya sa taas. "sulit yung byahe kapag nakarating ka dun. Di ko akalaing ganun pala kalaki yung bahay nila...pwede mo na ngang sabihing MANSION yun eh. Grabe di ko in-expect yun. HAHA." Pagpapatuloy nya. Bakas pa rin ang pagka-amaze sa itsura nya.
Na-curious tuloy ako sa mga kinu-kwento nya ngayon.
"Gaano ba kaganda Kuya para magkaganyan ka? HAHAHAHA. I mean...sa inaasta mo ngayon parang ngayon ka lang nakakita ng ganun." Naiusal ko nalang.
"Di ko lang talaga inaasahan na ganun ang makikita ko. Akala ko kasi sing simple lang ng bahay natin pero di pala. Sayang kasi di ka sumama. Sana nakita mo para hindi lang ako yung parang batang manghang-mangha dito. HAHAHAHA."
Sa totoo lang, nagsisisi na rin ako ng konting konting konti lang na hindi ako sumama.
'Ano nga kayang itsura nung bahay nila?'
Pero di naman big deal yun kung ganun nga kalaki yung bahay nila Ardy.
Ano naman ngayon kung malaki, diba? OA lang talaga 'to magkwento si Kuya.
"Parang yun lang tapos tuwang-tuwa ka na? HAHAHA. Hindi ka naman na dapat nagulat kasi nasa itsura naman nila yung pagiging big time, diba? Naalala mo yung unang nagkita tayo nina Mam Milley? Halatang-halata naman na mayaman sila." Sagot ko nalang.
"Sa bagay, tama ka nga." Sagot nya't tumango-tango pa. "Tapos alam mo bang apat yung kotse nila? Lahat pa sobrang gara talaga." Dagdag nya't bumalik na naman ang pagkamangha sa itsura nya.
HAHAHAHA gusto ko na talaga humalakhak sa mga ginagawa ni Kuya ngayon pero pinipigilan ko lang. Baka sabihing basag trip na naman ako.
Pero aaminin kong namamangha na rin ako sa mga ikini-kwento nya.
Di ko nga lang alam kung maniniwala ako kasi baka iniinggit nya lang ako at gusto nyang magsisi akong di ako sumama.
"Pero kung totoo man ang mga sinasabi nya ngayon...bakit hindi ko naman makita kay Ardy na kumikilos syang mayaman. Oo, nasa itsura nya ang pagiging mayaman, inakala ko pa nga noong may-ari sya ng isang malaking kompanya pero sya na rin ang nagkwento na kaya sya pinauwi dito sa Pilipinas dahil hindi na kaya ng parents nyang pag-aralin sya abroad."
"Kuya..." Marahan kong tawag sakanya at dahan-dahan ko syang tiningnan. "Totoo ba yang mga kini-kwento mo ngayon o ginu-good time mo lang ako?" Kunot-noong tanong ko sakanya.
"Totoo lahat ng mga sinasabi ko sayo bunsoy. Mamamangha ba ako ng ganito kung nag-iimbento lang ako? HAHAHA totoo lahat yun. Bakit hindi ka naniniwala?" Iiling-iling nya pang sagot.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...