Chapter 30

19 1 0
                                    


Ellie's POV

"Blair Ardy Arellano." Para akong tinambol ng marinig ko ang pangalan na yun mula kay Jaja.

Sobra talaga akong nabigla na kahit nakaalis na sya ay tulala pa rin ako sa kinatatayuan nya kanina.

"Bakit nandito sya? At five months na syang nandito sa Pilipinas?!" Tanong ko sa isip ko.

"Pero baka naman kapangalan lang ni Ardy yun, Ellie. Imposibleng sya yun---pero sabi ni Ja, galing yun ng New York kaya posible ring sya talaga yun."

Posible na ang Ardy na EX ko ay ang Ardy na kaibigan rin ni Jaja ngayon. Blair Ardy Arellano, eksaktong eksakto.

Sya kaya talaga yun?

Pero paano mangyayari yun? Hindi naman alam ni Ja na Ardy ang pangalan ng boyfriend ko sa New York, ang naikwento ko lang ay meron akong boyfriend doon. Maliban dun ay wala na akong ibang naikwento sakanya kaya paano sila magkakakilala? Hindi rin naman alam ni Ardy na si Janelle ang bestfriend ko.

"Ang gulo. Kung sya nga iyon, walang kinalaman sakin kung bakit sila magkakilala ngayon. Talagang nagkakilala lang sila at sa tingin ko...pareho silang walang alam na may koneksyon ako sakanilang dalawa. Hindi alam ni Jaja na ang Ardy na kaibigan nya ngayon ay ex ko. Hindi rin alam ni Ardy na bestfriend ko si Ja."

Sobrang curious ako ngayon to the point na gusto kong makita ang sinasabi ni Ja na Ardy pero MAS NATATAKOT AKO na baka sya nga iyon. Hindi pa ako handang makita sya ulit. Hindi pa ako handang magpaliwanag sakanya kung bakit bigla nalang akong hindi nagparamdam sakanya.

"Ellie." Bahagya pa akong nagulat nung may tumawag sakin.

"Primo." Sabi ko nalang at bumuntong-hininga para makondisyon ko na rin ang sarili ko.

"Bakit tulala ka jan? Ano bang nangyari sayo?" Tanong nya't kinuha sakin si baby.

"Si Ja." Sabi ko kaya gulat syang napatingin sakin.

"Sabi ko na nga ba magiging ganyan ang reaksyon mo."

"Nandito sya?" Tanong nya.

"Yeah. At nagkausap kami."

"Talaga? Anong sabi nya? Asan na sya? Alam nya bang kasama mo ako? Hinanap ba ako?" Sunod sunod at parang natatarantang tanong nya kaya ngumisi nalang ako.

"Up until now, sya pa rin."

"Ayos na kami ulit. Actually, sya pa ang lumapit samin kanina. Nagkausap kami pero saglit lang. But I'm happy, seeing her was more than enough for me pero yung lapitan nya pa ako at yakapin tapos sabihing namiss nya ako...napaka-sarap sa feeling nun. Finally, makakatulog na ulit ako ng maayos." Sabi ko.

"Buti naman." Sagot nya lang. "Sakin kaya galit pa rin sya?"

"Hindi ko alam. Pero sa tingin ko, hindi na. Kitang kita ko naman na naka-move on na sya kaya siguro hindi na rin sya galit sayo. Hindi na sya galit satin."

"Pero bakit ayaw nya akong balikan?" Tanong nya na ikinatigil ko. Parang tinusok ang puso ko sa tanong nya kaya itinago ko sa likod ang kamay ko at doon ikinuyom.

"Alam kong gusto mong makipagbalikan kay Jaja pero wag mo namang isampal sa mukha ko, Primo."

"Hindi naman kasi porket napatawad ka na eh gusto ka na ring balikan. Wake up Primo! Nasaktan natin sya at hindi sya ganun katanga para tanggapin ka ulit!"

"Bakit ikaw? Tinanggap ka nya ulit, diba? Bakit ako? Bakit hanggang ngayon parang ayaw na ayaw nya pa rin sakin?"

"I don't know, Primo. Pero sana naman sapat na sayong napatawad ka na rin nya, wag ka ng humiling ng mas higit pa dun dahil hindi ka na nya babalikan. Never ka na nyang babalikan."

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon