May nagbabasa pa ba ? Haha Sana nag-eenjoy pa rin kayo magbasa. ;-*
Don't forget to vote and share.
@JanieChimmy
---------------------------------
*vibrate*
Kinuha ko ang phone ko.
Message ito mula kay Mam Milley.
:Thank God you replied. Haha, I'm so bored here. I have no one to talk to.
Reply ni Ardy sa text ko kanina. Nag-sorry ako dahil di na ako nagreply kagabi.
:Why ?
Reply ko. Natatawa ako sa sarili ko dahil ang tipid-tipid ko magreply.
Pero di ba sya nahihiyang nakikigamit sya ng phone ng tita nya ?
"Uy may boyfriend ka na pala Janelle ?" Biglang tanong ni Kim na nakangiti pa rin hanggang ngayon.
Ang sasaya ng mga ito, hindi natatapos ang pag ngiti.
"Bakit mo naman nasabi ?" Tanong ko rin sakanya.
"Ang lawak-lawak kasi ng ngiti mo habang nagte-text ka." Sagot nya.
Kumunot ang noo ko at kinapa yung mukha ko.
Nakangiti ba talaga ako kanina ?
"Ah haha, wala yun. Wala rin akong boyfriend, natatawa lang ako sa sarili ko dahil ang tipid-tipid ng reply ko kahit ang haba ng mga sinasabi nila." Paliwanag ko habang lumalapit sa sofa para umupo. Sumunod naman sila.
"Sus di mo naman kailangan mag-deny sa amin Jaja, friends na tayo ngayon diba ? Tsaka halata naman yung kilig sa mata mo." Singit ni Naomi.
"Hehe mali kayo ng inaa----" Sasagot pa sana ako ng pinutol ito ni Vienna.
"Bakit hindi nalang tayo magkwentuhan, share tayo ng mga buhay buhay natin." Sabi nya.
"I am actually thinking the same thing." Sambit naman ni Jake.
Parang hindi ko gusto yun, mahirap magtiwala. Baka mamaya kung saan-saan makaabot ang mga maiku-kwento ko sakanila.
Isa pa, ngayon lang kami nagkakilala.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...