"Bunsoy, bale 5000 yang ibinigay ko sayo kasama na yung 1 week allowance mo ah." Sabi sakin ni Kuya kasabay ng pag-abot nya ng pera.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakahanda na akong mag-grocery, nakabihis na't lahat lahat. Si kuya ay nakahanda na rin para sa pupuntahan daw nila ngayong kliyente.
"Sige kuya pero..."
"Pero ano ?"
"Wala bang pasobra jan ? Kasi alam mo medyo marami-rami rin talaga akong binibili. Baka mag-short kasi yung 3k para sa groceries lang. Tapos transportation fee pa kuya, hindi pa kasabay dun tsaka syempre yung pangkain ko...diba di ako pwedeng magutom?" Banggit ko suot ang napakalawak na ngiti na kaya kong ibigay. Haha.
"Alam mo kasi bunsoy, matuto ka dapat mag-budget. Dapat magaling ka sa pagma-manage ng pera, para saan pa't naging accounting student ka ?" Sagot nya sakin suot rin ang naaaaapaaaaaakaaaalawak at nakakalokong ngiti. May patapik-tapik pa sya sa balikat ko.
Oo nga naman.
Bwiset. Nabaliktad pa tuloy ako.
"Pero kulang-kulang naman yung mabibili ko nyan, hindi ko makukumpleto yung mga kailangan natin dito. Diba ?" Pagpapalusot ko.
"Sabihin mo magmu-mukbang challenge ka ngayon kaya kailangan mo ng pera...pero...hmmm..." Sagot nya at nag-astang may inaalala.
"Pero ano?" Balik ko ng tanong nya kanina.
"Halos araw-araw ka namang nagmu-mukbang challenge dito sa bahay eh. Hahahahahaha." Sabi nya at halos mamatay na naman sa kakatawa.
Di ko na talaga alam kung paano ko ito matatalo si kuya sa sagutan.
"Bwiset ka Kuya...panira ka ng araw eh." Pagmamaktol ko.
"Ay akala ko panira ng mukha. Hahahaha." Asar nya pa.
"Grrrrrrrr. Ba'la ka nga jan." Sagot ko at padabog na umalis ng kwarto suot ang sling bag ko.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...