Chapter 23

12 1 0
                                    

Ardy's POV

Wala pa rin ako sa mood habang nagda-drive pauwi. Sobrang bagal lang ng pagpapatakbo ko dahil pakiramdam ko kusa nalang gumagalaw ang katawan ko.

I just feel like I'm not existing. Lutang na lutang ang isip ko.

Dahil sa mga sinabi ni Janelle kanina, naalala ko na naman ang mga bagay na pilit ko ng kinakalimutan.

Gustong-gusto ko ng kalimutan yung nangyari nung nasa New York pa ako kaya pilit kong nililibang ang sarili ko dito sa Pilipinas kahit alam kong nandito sya.

Pero kahit ano namang pilit kong makalimot, hindi pa rin ako matahimik hangga't di ko sya nakakausap.

"Di nya naman siguro malalaman na nandito ako para hanapin sya. I don't wanna ruin whatever the life she's having right now anyway. I just wanna talk to her para malinawan naman ako sa nangyari."

Baka sakaling masagot na ang mga tanong sa isip ko. Maybe it's one way para tuluyan na akong maka-move on.

It's been two years na since it happened but I guess I haven't really moved on dahil siguro hindi pa kami nagkakapag-usap. At mas lalong wala akong alam kung bakit bigla kaming nagkaganun. Bigla syang nagkaganun at hindi na nagparamdam all of a sudden. I tried to reach her but I just can't.

I was really clueless on what happened two years ago...up until now!

"Saan ba kita mahahanap dito?" Bulong ko.

I sighed as I went out of the car.

Di ko na namalayang nandito na ako sa bahay. Ang bahay na pilit kong itinatago sa mga kaibigan ko pero malalaman lang din pala nila ng ganun kadali. Hindi naman kasi makikita ito sa labas dahil mataas ang bakod kaya naitago ko rin kay Kuya John kapag inihahatid nya ako dito.

"Sir! Nandito na po pala kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Mam Milley." Bungad sakin nung maid pagkapasok ko ng bahay.

"Where is she?" Tanong ko habang dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto ko. Nakasunod lang sya sakin.

"Nakatulog na po."

Tumango nalang ako sa sagot nya't huminto sa paglalakad nung nasa pinto na ako ng kwarto.

"Don't wake her up. Just tell her tomorrow morning that I got home safe, nasa bahay lang naman ako nina Janelle the whole day." Sagot ko. Tumango nalang sya't ngumiti. "And one more thing...wag nyo po akong gigisingin bukas ng maaga. Gusto kong matulog ng mahaba dahil wala ako sa mood." Mas lalo pa yata akong nawala sa mood ngayon. Alam kong hindi na naman ako makakatulog agad kakaisip.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Okay po---sya nga pala...hindi na po ba kayo kakain ng hapunan?"

"Hindi na. Kumain na kami." Pilit ang ngiting sagot ko kaya tumango nalang sya't umalis.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama at pumikit.

"Bakit kasi bigla kang nawala? We were more than okay before you left me hanging...so why? Why?"

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ko kaya napamulat ako't kumurap-kurap.

Because of you I hurt Sab. Nagamit ko pa si Sab para makalimutan ka pero sadyang iniwan mo akong walang alam kaya hindi ka mawala sa isip ko. Iniwan mo ako sa ere ng ganun ganun nalang. Ni wala akong mahanap na rason. Hindi na maabot ng isip ko ang maaaring maging rason mo para biglang mawala ng ganun.

"Tutulongan ko si Janelle na mahanap ang sagot sa mga tanong nya tungkol kay Kuya John pero ako mismo hindi ko matulongan ang sarili kong---"

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon