Pumunta na ako sa 1st subject ko.
Maingay ang karamihan sa mga kaklase ko, may kanya-kanya silang pinag-uusapan at pinagkakaabalahan.
Tahimik lang ako na pumunta sa upuan ko dahil wala naman akong masasalihan sa kanila para makipag usap. Ewan ko ba pero medyo mas prefer kong mag-isa nalang.
Mailap na ako ngayon sa tao, ang mga kinakausap ko nalang ay yung mga matagal ko na talaga kilala.
Kinakausap ko din naman yung mga kaklase ko kapag una nila akong kinakausap, pero yung tipong ako ang mauuna makipag-usap ? Hindi ko na gawain yun, para kasing nahihirapan na ako magtiwala sa ibang tao. Pakiramdam ko lahat ng taong napapalapit na ako, tatraydorin ako soon.
Tulad nung nangyari samin ni Ellie. Bestfriend na ang turingan namin nun pero nagawa pa rin akong traydorin, sila pa kayang kaklase ko lang ? Ayoko ng magtiwala ulit.After 3 minutes ay dumating na si Prof Dominguez, professor namin sa Philosophy.
"Good morning sir." Bati namin sakanya. Tumayo pa ang iba naming kaklase.
"Take your seats at mag-prepare kayo ng isang yellow pad." Malamig nyang utos sa amin.
Agad ko naman kinuha sa bag ko ang yellow pad. Nase-sense kong magpapa-essay na naman toh.
"Oh ? Bakit nakatingin kayong lahat sakin ?" Pag mamataray ko. Nakatingin ba naman kasi silang lahat.
"Ehem papel ehem." Sabi nung isang kaklase kong lalaki.
Inirapan ko siya.
"Ano prof, wala ka man lang bang gagawin ? Mauubos papel ko oh." Sabi ko isip ko.
"Bilisan nyo na." Sambit nya ulit.
P*** wala talagang ginawa, buti pa yung prof namin sa statistics kapag may humingi ng papel, minus 10 yung hihingi.
Pasensya na nga pala kung palamura ako. Binago lang ng panahon.
Pero di ko pinaparinig kay Kuya na nagmumura ako. Masagwa daw kasi para sa babae ang pagmumura.
Di naman maiiwasan magmura diba ? Kayo ba di kayo nagmumura ?
.
.
.
Wala na akong nagawa kundi bigyan LAHAT ng kaklase ko ng yellow pad. Bwiset. Halos maubos ang papel ko, papel ng isa, papel ng lahat."Now, write an essay about the topic we discussed last meeting. Write everything that you understand about it. You will be passing your paper after this period."
Di nga ako nagkamali. Tamad na naman toh magturo, sure ako.
Biglang nagmaktol ang mga kaklase, sino ba naman ang hindi, panigurado limot na din nila ang topic na yun.
45 minutes nalang ang meron kami.
Nakatingin na naman sakin ang mga kaklase ko, aba ! Mga abusado.
Nagkunwari nalang ako na walang nakita, bahala sila. Di naman pwedeng aasa nalang sila palagi sakin.
Nagtuloy tuloy lang ako sa pagsusulat ng essay ko.
Nature of truth and knowledge, yan ang huling pinag-usapan namin.
Actually, madami kang masasabi tungkol sa topic na yan dahil madali lang naman intindihin kung talagang nakikinig ka.
Di ko na dinamihan ang mga sinabi ko, basta nandun ang mga kailangang mabasa ni prof. Okay na yun.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...