"I'm sorry to say this ah pero sino namang matinong nanay ang gagawa nun sa sarili nyang anak?!" Reaksyon ni Naomi pagkatapos kong ikwento sakanila ang nangyari sa amin noong isang linggo.
Oo, kasama ko sila ngayon dito sa bahay. Kumpleto kami ngayong anim. Biyernes naman kasi ngayon kaya naisipan nilang tumambay at saktong mago-overtime ngayon si Kuya John kaya natuwa naman syang may kasama ako ngayon.
"I agree, kawawa ka naman Janelle. Nakakalungkot isipin na nararanasan mo yung ganun." Mahinahong dagdag ni Vienna.
"Kung sakin nangyari yun, di ko alam kung anong magagawa ko." Singit rin ni Jake.
"Baka naman kasi may dahilan din yung nanay nya, hindi ba?" Biglang singit ni Kim na kanina pa tahimik. Napatingin kaming lahat sakanya. "Kasi kung iisipin nating mabuti bakit nga ba talaga gagawin yun ng nanay mo, Janelle. Malamang sa malamang eh may rason yun. Di nga lang natin alam kung ano." Sabi nya pa pagkatapos umayos ng upo.
"Maybe Kim's right 'coz everything happens for a reason, diba? I know it sounds so cliche pero we don't know. Sadya lang hindi natin alam ang rason but sooner or later, we'll figure that out." Saad ni Ardy at tumingin sakin pero umiwas din naman ako kaagad dahil...sa---arghh. Dahil dun sa nangyari sa kotse. Tss.
"Tama na. Nangyari na eh. Wala naman na tayong magagawa dun, LALO NA AKO. Ayoko nalang isipin pa, wag na din nating pag-usapan. Tama na yung may alam na kayo sa nangyari." Pigil ko sakanila.
"Pero Ja..." Mahinahong sambit ni Naomi kaya napatingin ako sakanya na nagtatanong ang mga mata. "Anong gagawin mo kung sakaling magkita ulit kayong dalawa?" Nahihiyang dagdag nya. Sandali akong natigilan sa tanong nya at napatitig sa kawalan.
'Ano nga ba talaga ang gagawin ko?' Naisip ko.
Tumingin muna ako sakanya bago sumagot."Di ko alam. Di ko pa alam..." Sagot ko habang umiiling-iling pa. "Baka nga di ko na gustuhing makita pa sya ulit." Dagdag ko at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko.
Sobrang sakit lang kasi na mismong nanay mo ang nagtataboy sayo at hilinging wag na kayong magkita. Napakalaking sampal nun sakin.
"Let's not talk about it guys. Pagpahingahin na muna natin ang isip nya. She's having a hard time." Rinig kong saway sakanila ni Ardy.
"Sorry." Nasabi nalang ni Naomi.
"Hindi. Okay lang Naomi. Haha. Bakit ka ba nagso-sorry?" Sabat ko sakanila at tiningnan sya habang pinipilit kong ngumiti. Ngumiti nalang din sya pabalik.
"Kamusta nga pala studies nyo?" Biglang sabat ni Kim na pilit na pinapasigla ang paligid namin. Sabay-sabay naman kaming napatingin sakanya't napabuntong-hininga at ngumiti.
"Ako, I was super busy with my thesis." Sagot ni Ardy na halata ring pinapagaan ang ambiance.
"Samin kakatapos lang ng midterm exams kaya medyo maluwag pa schedule ko ngayon. Pero last week, grabe yun. Subsob ako sa review tapos nagsabay-sabay pa yung requirements na ipapasa. Shocks! Buti nalang nai-survive ko. Hahaha." Masiglang kwento ni Vienna.
Napapangiti nalang ako sa ginagawa nila. Alam kong pinipilit nilang pagaanin ang mood ko. Di man nila sabihin pero nakikita ko.
"Eh? Uso pala mag-review, Vienna? Hahaha. Pag ako kasi yung nagre-review, pakiramdam ko hihimatayin ako eh. Kapag nagbabasa ako ng mga notes, feeling ko may kung anong nakadagan sakin. Ang bigat sa pakiramdam." Kwento ni Naomi na umaarte pang nahihirapang huminga.
"Notes? Meron ka ba nun? Ni pagsulat nga yata eh hindi mo nagagawa." Sabat ni Jake dahilan para sabay-sabay silang nagtawanan. Di ko alam pero gumaan talaga ang pakiramdam ko. Parang ang saya lang na naririnig mo silang nagtatawanan.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...