Chapter 24

18 1 0
                                    

Janelle's POV

Ilang segundo pa ang lumipas at nanatili akong nakatitig sa mukha nya.

Pinag-aaralan ko kung sya ba talaga itong kaharap ko.

"Paano nangyaring bigla bigla nalang syang lilitaw ngayon at lalapitan ako na parang walang nangyari?" Tanong ko pa.

Matatamis ang ngiting ipinapakita nya sakin ngayon dahilan para mas mangibabaw ang pagkalito sakin.

HINDI KO ITO INAASAHAN.

"Sorry mister but I guess she doesn't know you." Pagbasag ni Ardy sa katahimikan dahilan para mabalik din ako sa ulirat.

Napailing-iling pa ako at sandaling yumuko. Pagkatapos nun ay naglakas-loob akong tumayo at hinarap sya.

"I know him." Sagot ko kay Ardy kahit hindi sakanya nakatuon ang paningin ko dahil diretso akong nakatingin sa mga mata ni...

KYLE.

Ang ex-boyfriend kong bigla nalang naglaho.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Ardy na dahan-dahan ko namang tinanguan habang nananatili kay Kyle ang paningin ko.

"You didn't change. Even a bit." Nakangiting sambit ni Kyle.

"And you changed. A LOT." Sarkastikong sagot ko sakanya.

Pero totoong maraming nagbago sakanya. Sa itsura nya palang, ang dami ng nabago. Noon naman ang linis ng mukha nya pero ngayon, may bigote at balbas na sya. Para na syang ama kung titingnan.

"Ano kayang nangyari sakanya at nagkaganyan bigla?"

"Teka nga muna! Mind to explain what the heck is going on here?!" Inis na tanong ni Jake kaya nilingon ko naman sya.

"Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ano ba dapat ang sabihin ko? Ni hindi ko nga alam kung paano ako magre-react sa sitwasyon na 'to ngayon."

Napabuntong-hininga nalang ako sa naisip ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa biglaang pagpapakita nya sakin ngayon.

Hindi matanggap ng utak ko ang nangyayari.

Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko ngayong nakita ko na sya ulit matapos ang ilang taon...matapos ang biglaang pagkawala nya.

Dapat pa ba akong magalit sakanya dahil bigla nalang syang nawala? Dapat ba akong matuwa dahil nakita ko na sya ulit? O dapat balewalain ko nalang.

"Hoy! Para kaming ewan dito na nanonood lang sainyo habang nanghuhula kung sino yang kausap mo!" Mahinang sigaw ni Kim.

"Who are you?" Tanong na ni Vienna kay Kyle.

"Oo nga pala. Tss."

"Sorry, nawala sa isip kong ipakilala sya sainyo." Sagot ko sakanila. Hinila ko ng bahagya si Kyle para maiharap sa mga kaibigan ko. Tinignan ko sila isa isa at lahat sila salubong ang kilay na nakatingin sakanya. Lalo na si Ardy at Jake. Napalunok pa ako dahil sa mga titig nila.

"Sorry for interrupting your meal, I didn't mean to. It's just that...hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit sainyo para kumpirmahin na si Andrea nga ang nakikita ko." Pagpapaumanhin nya pero hindi nagbago ang ekspresyon nitong mga kaibigan ko.

"Guys, this is Kyle. Kyle Versoza." Pagpapakilala ko na sakanya dahilan para mapaayos ng upo si Kim at Vienna at tinaasan ng isang kilay itong si Kyle.

"Hindi pa dapat ako ang gumagawa nyan ngayon?"

"Kyle." Pag-uulit pa ni Jake habang tumatango-tango pa. "Hmmm. Kung tama ang pagkakaalala ko...ex ka rin ni Janelle. Am I right?" Nakataas ang isang kilay na tanong nya pa habang nakahawak sa chin nya.

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon