Janelle's POV
"Ano 'to?" Tanong ko habang pinaglalaruan yung inilagay nya.
"That's crab louie salad." Nakangiting sagot nya habang nakatingin doon sa pinagsalinan nya sakin.
"Ah. Gan'to pala yun. HAHA. Bakit wala yung crab? Ini-expect ko kasi may crab akong makikita jan sa gitna." Natatawang sagot ko sakanya.
"HAHAHA hindi ganun yun. Crab meat na ang nandyan." Sagot nya.
Tumango nalang ako.
"Eh yung panzanella, alin yun dito?" Turo ko pa sa mga nasa harap ko.
"This one." Turo nya pa doon sa nasa left side ko saka tumingin sakin. "This is a salad of soaked stale bread, onions and tomatoes. Meron ding pipino yan and basil...dressed with olive oil and vinegar. Mas mataas ang demand nyan dito during summer." Paliwanag nya ulit. Tumango nalang ulit ako at pinagmasdan pa yung ibang nasa harap ko.
"So I guess this one's the indian sweet---ano nga iyon?" Turo ko naman dun sa nag-iisang isinerve samin na halatang pang-dessert.
"Jhajariya." Matipid nyang sagot.
Yung ibang pagkain ay hindi ko na itinanong dahil obvious naman na eh. Hehe.
"Andami mo palang alam sa mga ganito noh. Nabibigla tuloy ako sayo. Di ko 'to inaasahan. Di naman sa minamaliit kita ah---di ko lang talaga ini-expect to." Namamangha pang saad ko sakanya.
"Di ini-expect ang alin?"
"Ito. Lahat ng 'toh. Lahat ng nalaman ko tungkol sayo at itong nakikita kong side mo. Lahat ng ito hindi ko inaasahang mangyayari ngayon. Di pa rin nada-digest ng utak ko. HAHAHA." Sagot ko at bahagya rin naman syang natawa.
"Wag mo nalang masyadong isipin. HAHAHA. Let the time do it's job...kung di mo pa ngayon ma-absorb, sooner or later kusang matatanggap na yan ng utak mo. HAHAHA." Sagot nya.
"Paano nga pala sina Kim? Sasabihin mo ba sakanila?" Tanong ko at natigilan naman sya.
"Oo naman. Di ko nga lang alam kung paano. Tsaka parang natatakot ako sa magiging reaksyon nila." Malungkot nyang sagot at napabuntong-hininga pa sya. "Baka kasi tulad mo---mag-iba ang tingin sakin." Napayuko pang dagdag nya.
Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot at guilt.
'Kung hindi ko kanina pinaramdam sakanya yung mga naisip ko...di sana sya matatakot ng ganito ngayon.'
Kusa akong tumayo at lumapit sakanya. Nabigla naman sya at tiningala ako. Hinawakan ko ang mga kamay nya at nginitian sya.
"Di mo kailangang matakot. Okay?" Pagpapakalma ko sakanya. Napabuntong-hininga na naman sya at yumuko. Ramdam na ramdam ko ang lungkot nya ngayon at napahigpit pa ang hawak nya sa kamay ko. Binitiwan ko ang kamay nya at niyakap ko sya.
Alam kong nagulat sya pero hinayaan ko lang iyon dahil sobrang nagi-guilty ako. Kasalanan ko kung bakit nagkaka-ganyan sya ngayon. "S-sorry. Dahil sakin natatakot ka tuloy ngayon. Pero sabi ko naman sayo, di mo kailangang matakot." Saad ko habang tinatapik-tapik pa ang likod nya. Sana kumalma sya sa ginagawa ko. "Di naman ganun ang pagkakakilala ko sakanila. Matutuwa yung mga yun. Tsaka di magbabago ang pakikitungo nun sayo." Dagdag ko pa habang nananatiling tinatapik-tapik ang likod nya.
'Ako lang naman 'tong kung ano-ano na yung inisip.'
"OMG! Look at them hon oh. Parang tayo lang noon. Omooo ang saya saya ko kapag nakakakita ng couples. Ang cute cute." Rinig kong sambit nung customer na babaeng katabi namin. Halata sa boses nya na kinikilig sya.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...