Ardy's POV"It's him." Wala sa sariling sabi ko.
"GAGO KA PRIMO! SINIRA MO KAMI!"
"Oh my God." Sagot ni Aunt na nanlalaki pa rin ang mga mata at matagal na tumingin sakin. "This can't be real." Di makapaniwalang sabi nya pa.
"All this time malapit lang pala ako kay Ellie? Kung sana sinabi ko na kay Janelle noon pa, natulongan nya sana ako at baka hindi pa sya magalit sakin. Sana noon palang ginawa ko na. HINDI KA NAG-IISIP, ARDY!"
"Ang Primo Buenaventura na iyan ay ang sinasabing nakabun---"
"Yeah. Alam ko na yan. Salamat Mr. Garcia." Putol ko na sa sinasabi nya at tumayo.
"Po?---Paano nyo ho nalaman ang tungkol jan?" Tanong nya.
"Kusang lumapit sakin." Sagot ko nalang at naglakad na palabas.
"Thank you, Mr. Garcia. Aalis na muna kami and I apologize sa iniasta ng pamangkin ko. Nabigla lang sya." Rinig ko pang sabi ni Aunt at humabol sakin.
Hindi ko na nakuhang magsalita hanggang sa makabalik kami sa bahay. Madilim na ng makarating kami dahil wala ako sa sarili ko habang nagda-drive. Wala na akong ibang maisip kung hindi si Ellie. Si Primo. AT SI JANELLE.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Aunt.
Hindi ako agad na sumagot at pabagsak na umupo sa sofa. Hindi ko pa rin mapigilang mag-isip.
"Paano ko sasabihin kay Janelle ang tungkol dito? Maiintindihan nya pa kaya?" Tanong ko at tumingin kay Aunt.
"Magagalit kaya si Janelle kung malaman nya?" Nag-aalalang tanong ko.
"I don't know. Pero I still can't believe na all of a sudden malalaman natin na bestfriend pala ng taong nagugustuhan mo ngayon ang ex mo na hindi mo pa rin tuluyang nakakalimutan." Sagot nya kaya bigla na naman akong nalungkot at natakot. "Sana sinabi mo na kay Janelle ang tungkol kay Ellie para noon palang alam nya na. Magugulat lang sya pero hindi sya magagalit sayo---but I still hope na maiintindihan ka nya ngayon."
"Dapat nakinig ako sayo noon, Aunt."
"Hindi ko alam kung ano ng dapat kong gawin ngayon. Hindi ko alam kung sinong uunahin kong lapitan. Si Ellie? Gusto ko na syang makausap ngayon na. Pero iniisip ko rin si Janelle, dapat bang ipaalam ko muna sakanya ngayon? O si Primo?"
"Bakit si Primo?"
"Gusto ko syang bugbugin ulit." Pigil ang inis na sabi ko. "Yung taong yun! SYA ANG SUMIRA SAMIN!" Sigaw ko na habang mariing nakakuyom ang mga kamay.
"Don't even think about it. Hindi mo gawain yan. Hindi ka nananakit ng tao." Sagot ni Aunt. "And isa pa, wala ng magbabago kahit na patayin mo pa sa bugbog si Primo."
"But because of him, we broke up---no. Hindi nga pala kami nag-break, Ellie LEFT ME without a clue. Tapos ngayon malalaman ko nalang na dahil pala sa Primo na yun? Tss."
Kanina ko pa gustong-gustong sumugod sa bahay nina Ellie para makausap ko na sya ngayon pero iniisip ko talaga si Janelle. Dahil kahit hindi pa kami at alam kong hindi nya pa ako gusto, nag-aalala ako sa mararamdaman nya. Baka magalit sya and worst...baka layuan nya pa ako.
"Pero hindi pa rin tama na saktan mo sya." Sabi nya at tumabi sakin. "Mas mabuti pang isipin mo ngayon kung ano ang mas makakabuti para sainyong lahat." Kalmado ng sabi nya pa.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
ФанфикThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...