Janelle's POVTumakbo na ako papasok sa gate noong makalabas ako sa sasakyan ni Ardy.
"Huuuuu!" Sigaw ko pagkatapos kong magpakawala ng naaaaapaaaaakalalim na hininga. "Nangyari ba talaga lahat ng yun?" Tanong ko sa sarili ko habang nakasandal sa gate. Makailang beses pa akong umiling-iling para magising ang diwa ko.
Ilang ulit pa akong humugot ng malalalim na hininga para ikondisyon ang sarili ko bago ako pumasok sa bahay.
"Kuya, nandito na po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko't dumiretso sa sala.
"Ayos bunsoy ah. Anong oras na ba?" Malamig na tanong nya nung lumabas sya ng kwarto't umupo sa tapat ko. Agad akong napatingin sakanya't nakaramdam ng kaba.
"Magte-ten." Nakayuko ng sagot ko dahil natatakot ako sa mga titig nya. Galit na talaga sya.
"Tss. Ano bang mga pinag-usapan nyo ni Chito para abutan kayo ng gantong oras?" Tanong nya kaya napalunok nalang ako.
"H-hindi n-naman kami n-nagtagal ni Chito, Kuya. Nauna pa syang umuwi kesa sakin."
"Ano?! Kung ganun, bakit ngayon ka lang nakauwi? Sinong kasama mo? Saan ka pa ba nanggaling?" Sunod sunod na tanong nya.
"H-hindi si Chito ang huling kasama ko pero nandun pa rin ako sa resto." Sagot ko.
"So sinong kasama mo?"
"S-si A-ardy." Nahihiyang sagot ko't mariin pang ipinikit ang mata ko habang nakayuko pa rin.
"Si Ardy? Paanong si Ardy ang kasama mo eh nag-text sakin yun kanina na hindi na raw sya makakabalik dito dahil uuwi na sya?" Sabi nya kaya dahan-dahan kong naiangat ang tingin ko sakanya.
"Hinintay nya ako. Hindi naman talaga sya umuwi. Naghintay lang sya sa labas ng resto." Sagot ko na ikinakunot ng noo nya.
"Ginawa nya yun?" Biglang kalmadong tanong nya.
"Oo."
"HAHAHA." Biglang tawa nya kaya ako naman ang nagtaka.
"May saltik talaga 'to. Kanina galit tapos ngayon naman biglang tatawa."
"Anong nakakatawa Kuya?" Kunot ang noo na tanong ko.
"Ibang klase talaga si Ardy." Sagot nya habang umiiling pa. "HAHAHA. Talagang hinintay ka pa nya. Selos na selos talaga. HAHA." Dagdag nya pa't natigilan ako.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya kaya hindi na ako makatingin sakanya ng diretso.
"Mukhang may alam na sya. Pero nakakahiya pa rin kung malalaman nyang totoo yun."
"A-anong selos na selos, Kuya? Hinintay nya lang ako dahil wala daw susundo sakin." Pagsisinungaling ko habang iniiwas sakanya ang paningin ko.
"HAHAHA. Ang usapan namin ay ako nalang ang susundo sayo pero hihintayin ka rin naman pala nya." Sagot nya. "HAHA. Bilib na talaga ako kay Ardy. Ibang klase magkagusto. HAHAHA."
"Anong magkagusto ba ang sinasabi mo? Mabait lang talaga yung tao kaya hinintay nya na ako." Palusot ko pero nagkibit-balikat lang sya.
"Wag kang magbulag-bulagan bunsoy. HAHAHA." Nanunuksong sagot nya. "Kahit hindi nya man aminin sakin, kitang kita ko na gusto ka nya. Hindi mo ba napapansin yun?"
"Hindi." Agad na sagot ko.
"Kunwari ka pa. HAHA. Umamin na ba sayo?" Sabi nya na talagang ikinatigil ko. Napatingin pa ako sakanya habang nanlalaki ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...