Kyle's POV"Paanong---P***** *** pinagplanuhan nila ito! Tss."
Hindi ko napansin na nakamasid na pala sa akin si Mr. Alvarez, ang lalaking itinuro sakin kanina ni Andrea.
Mas lalong hindi ko napansin na nasa paligid ko lang sya't tinitingnan ang bawat kilos ko.
"Bakit hindi kita napansin?" Tanong ko habang palihim na tinitingnan sya.
Kakapasok lang namin sa opisina ni Mr. Fuentes kasama ang asawa nya at ang nag-iisang anak nila, ang ina nila Andrea. Si Ms. Margarette.
"VERSOZA, ANO NA NAMAN 'TONG NABALITAAN KO? YOU DISOBEYED ME AGAIN! PANGALAWA NA ITO! PINALAMPAS KO ANG UNANG PAGPAPAKITA MO SA APO KO PERO BAKIT INULIT MO PA?! IT WAS ONLY FEW WEEKS AGO AND NOW WHAT'S THIS?!" Galit na galit na sigaw sakin ni Mr. Fuentes habang lumalapit sakin. "BINALAAN NA KITA NOONG UNA PALANG! GUSTO MO BA TALAGANG IPAHAMAK ANG APO KO? HA?!"
Napapayuko nalang ako sa lakas ng sigaw nya.
"At sa tingin ko, may mga nabanggit na sya kay Ms. Janelle tungkol sa pagpapamasid nyo sakanilang magkapatid." Singit ni Mr. Alvarez kaya palihim ko na naman syang tiningnan ng masama.
"Masyado kang maraming nalalaman Alvarez."
Si Mr. Alvarez na ang halos kanang-kamay nito ni Mr. Fuentes, ang lolo nila Andrea.
"ANO?! TOTOO BA YUN VERSOZA?!" Tanong na naman ni Mr. Fuentes kaya napayuko nalang ako at dahan-dahang tumango dahilan para ambahan nya ako ng suntok pero napigilan ni Ms. Margarette. "SINO KA SA TINGIN MO PARA SABIHIN ANG MGA BAGAY NA 'YUN SA APO KO? HA? ANONG PUMASOK JAN SA UTAK MO PARA MAGPAKITA ULIT SAKANYA? BALAK MO BA AKONG KALABANIN VERSOZA?"
"Hindi ho Mr. Fuentes. Ni minsan hindi sumagi sa isip kong kalabanin kayo." Mariing sagot ko.
Wala akong balak na traydorin sila dahil alam kong hindi ko sila kaya. Wala rin akong intensyong sirain ang kung ano mang plano nila sa mga apo nila, gusto ko lang talagang maging malinaw na kay Andrea kung bakit ako nawala.
Wala akong ibang intensyon sa paglapit sakanya. Nagkamali lang talaga ako dahil nawala sa isip ko ang maaaring mangyari kapag nakita ako ng BSS na lumapit sakanya.
Ni isa sa myembro ng BSS ay walang alam sa kung sino ang mga apo ng mga Fuentes kaya nakaabang rin sila sakin. Kapag nagkataong nakita nila akong may nilapitang bagong mukha para sakanila, maaaring sya agad ang gantihan nila. Hindi maaaring mangyari yun.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...