Continuation (C16)

35 1 0
                                    

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Buong pagtatakang tanong nya.

"Hahaha that was your first kiss? Hahaha ang lame ah. Ang baklang pakinggan. Ngayon, sinong mas baduy sating dalawa?" Pang-aasar ko sakanya.

"Whatever. Tulad nga ng sinabi mo it's not baduy. I'm just conservative. Swerte mo nga eh, ako yung first kiss mo and you're the first girl I ever kissed...accidentally."

"Swerte mo your face...kapal mo ah. Anong swerte dun?" Nasabi ko nalang.

Tawa nalang ang isinagot nya.

"Pero okay tayo ah, di ka galit sakin?" Paglihis nya sa usapan.

"Oo nga, I'm not mad. Okay tayo."

"Papansinin mo pa rin ako? Walang magbabago?"

"Hmmm...pag-iisipan ko muna." Biro ko.

"WHAT?! Janelle naman, akala ko okay na tayo?" Nag-aalalang tanong nya.

"Hahaha joke lang. Paulit-ulit ka kasi. I already said na okay na tayo that means okay ang lahat."

Pero di ako sure kung di ako maiilang kapag nagkita ulit kami.

"Thank God, akala ko di mo na ako papansinin."

"OA ka masyado. Bakit ba alalang-alala kang di na kita pansinin?"

"Because we're friends. You're my first ever friend here at isa pa, diba naikwento ko na sainyo dati na ayoko nang maramdaman ulit na as if I'm nog existing like what my parents did."

Halata sa boses nya ang biglang pagkalungkot. Maging ako.

"Okay I get it na and don't worry...I'll make sure na hindi ka na magiging hangin sa paningin ng iba dahil alam ko na rin ngayon ang pakiramdam na walang pakealam sayo ang magulang mo. At alam ko na ring masakit yun." Sagot ko dahilan para biglang tumulo ang luha ko. "Shit." Saad ko at pinunasan ito. Naalala ko na naman ang walang kwenta kong nanay.

"Are you crying?" Tanong nya.

"Hindi." Pagsisinungaling ko pero mas lalong nagpaunahan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Kahit tinatakpan ko na ang bibig ko ng kamay ko, alam kong rinig pa rin ako ni Ardy.

"Stupid. Akala ko ba matapang ka Janelle. Akala ko ba huling pag-iyak mo na yung kanina? Ang hina mo talaga." Sabi ko sa isip ko. Ang sakit pa rin. Kahit nasa isip ko nalang yung mga nangyari, pakiramdam ko isinisigaw ni ma--- niya ngayon direkta sa tenga ko ang mga sinabi nya kanina. Bwiset.

"Janelle, please...stop crying, wala pa naman ako jan para i-comfort ka."

"Ardy..." Saad ko at humagulgol na sa pag-iyak.

"Tahan na please..." Ramdam kong hindi na sya mapakali. "Sorry, naalala mo tuloy dahil sakin."

Hindi na ako sumagot dahil iyak na ako ng iyak. "Gusto mo bang puntahan kita jan?" Napabuntong hininga ako bago magsalita.

"Wa...wag na...nandito naman si...si Ku...Kuya." Putol-putol kong sagot.

"Bunsoy, kain na---umiiyak ka na naman?" Agad-agad syang lumapit sakin at niyakap ako habang dahan-dahang tinatap ang likod ko.

"Sige na Ardy...nandito na si Kuya. Magiging maayos din ako. Salamat." Paalam ko sakanya bago ko pinutol ang linya. Ramdam kong kumalas sa yakap si Kuya at iniangat ang mukha ko.

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon