Janelle's POV
"Ano bang nangyayari dito? Rinig na rinig namin sa loob ang tilian nyo." Reklamo ni Jake na kalalabas lang ng kwarto ni Kuya.
Doon lang ako nakahugot ng malalim na hininga at naibalik ang lakas ko.
Makailang beses akong sunod-sunod na huminga ng malalim.
Agad na din namang umupo si Jake sa sofa at takang nakatingin lang samin.
Pero mas pinansin ko nalang ang hindi pa paglabas ni Kim sa kwarto ni Kuya para makaiwas sa mga mapanuksong tingin nina Naomi at Vienna.
"Si Kim?" Tanong ko sakanya.
"Nasa loob pa." Simpleng sagot nya.
"Ano pang ginagawa nya dun?"
"May pinag-uusapan lang...pero lalabas na rin yun maya maya."
"Ano namang pag-uusapan nila?" Kunot na ang noong pang-uusisa ko.
Bakit nagpaiwan pa sya doon? I mean...di ba yun awkward? Di naman sila ganun ka-close---unless...
"Basta. Wag ka nang matanong. Kung ano man yung pinag-uusapan nila...sakanila nalang yun." Ngingiti-ngiti nya pang sagot dahilan para manliit ang mata kong tiningnan sya.
"Di ko alam kung sapat na bang basehan yun para maisip ko kung ano mang iniisip ko ngayon. Pero kung titingnan ko at pagdudugtong-dugtongin yung mga naobserbahan ko kahit nung una palang...posible kayang???"
Napailing-iling nalang ako sa sarili kong naisip.
Imposible yun. Hindi pwede. Sana mali ako.
"Praning ka na naman." Nagitla ako sa ginawang pagbulong na yun ni Ardy sa mismong tenga ko.
"Ang lakas ng pang-amoy mo pero mali mali naman." Mahinang sagot ko sakanya at inilayo sakanya ang katawan ko.
"HAHA." Tawa nya nalang.
"Naiilang na tuloy si Jaja." Pang-aasar na naman ni Naomi. Suminghal nalang ako.
"Sa tingin ko alam ko na kung bakit kayo tili ng tili kanina." Sabi ni Jake at parang naghihinalang tiningnan ako.
"Tss." Sagot ko nalang sakanya at iniwas sakanya ang tingin ko.
Nagtawanan naman sila maliban sakin. Ipinakita ko nalang ang kawalan ng interes ko sa mga ginagawa nila.
Matapos nilang magtawanan ay sandali kaming binalot ng katahimikan.
.
.
.
"Tulog na si Kuya John." Sabay sabay kaming napalingon sa biglaang pagsasalita ni Kim na kalalabas lang ng kwarto ni Kuya at akmang isasara palang ang pinto.Nacu-curious talaga ako kung anong pinag-usapan nilang dalawa. Bakit ganun katagal?
"That's good." Nakangiti namang sagot sakanya ni Ardy.
"Sa tingin ko...pwede na rin tayong umuwi?" Si Jake.
"Bakit? Maaga pa naman ah." Reklamo naman ni Naomi.
"Hihintayin mo pa bang dumilim bago tayo umuwi?" Sagot sakanya ni Jake.
"Hindi ba pwede?" Nakanguso nang tanong nito ulit. "Dati naman umaalis tayo dito na madilim na ah. Bakit ngayon, nagmamadali ka yata."
Lumapit muna si Jake sakanya at inakbayan bago nagsalita ng pabulong.
"Kahit kelan hindi ka marjgryqlfpshhspwwss jsjckvjdshflvnafjwpfjegurjvlbdjf." Bulong nya dito.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanficThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...