"Ito na ba lahat Kuya? Check mo nga sa lista mo." Sabi ko sakanya habang hinahalungkat yung mga nasa cart.
"Napkin mo, di ka bibili?" Biglang tanong ni Kuya dahilan para manlaki ang mata ko.
Ramdam ko ring uminit ang mukha ko.
"Bwiset naman Kuya. Nakakahiya ka!!!"
Di ko magawang tingnan si Ardy, hiyang-hiya ako.
"Your face is turning red." Sabi ni Ardy habang ang lawak ng ngiti sakin. Itinuturo nya pa ang mukha ko. Pati si kuya eh ang lawak lawak rin ng ngiti.
Gusto kong sumigaw ng nakakahiya. S***!!!!!! Sobrang kahihiyan na tohhhh!!!
"Bakit hindi ka gumagalaw jan bunsoy? Hahaha. Anong masama sa tanong ko?" Biglang tanong ni Kuya na hindi pa rin mawala-wala ang ngiti.
Yumuko nalang ulit ako. Ayokong gumalaw.
"T*** *** mo Kuya." Sabi ko sa isip ko.
Naku kung pwede lang murahin ko talaga si Kuya. Nakakabwiset sya.
Itanong ba naman yun sa harap ni Ardy. T*** *** nakakahiya.
"Ako nalang kukuha Kuya John. Ano bang brand gamit mo Janelle?" Singit rin ni Ardy.
Grrrrrrr. Mas lalo yatang namula ang mukha ko sa kahihiyan. Mas uminit ang mukha ko. Gusto kong sumabog! Gusto kong maglaho! Thanos! Snap your fingers please!!!
PUSANG GALAAAAAA!!! Lord, patigilin nyo naman ang oras oh. Kahit 5 minutes lang, aalis lang ako sa harap ng dalawang ito. Pleaaassseeee!!!
"Hey! I'm asking you, ano bang brand gamit mo?" Ulit ni Ardy habang kumakaway pa sa harap ko.
"Ako na kukuha." Inis kong sagot sakanya at mabilis na umalis. Rinig kong tumawa pa ang dalawa.
Nakakainis. Nagkakasundo pa sila sa pang-aasar sa akin. Epektib nga, hindi na ako nalulungkot. NAIINIS NA AKO NGAYON!
Kumuha ako ng 5 packs ng napkin. Baka kulangin ako sa dalawang packs lang sa 3 days na period ko, pakiramdam ko duduguin ako ng napakarami dahil sa dalawa.
"Andami naman yata nyan bunsoy. Linggo linggo naman tayong nago-grocery ah." Sabi ni Kuya habang sinusundan ng tingin yung mga bitbit kong napkin.
"Magiging 2 weeks yata ang period ko dahil sainyong dalawa." Pagmamataray ko kay Kuya.
"Hahaha. You're exaggerating." Sabat ni Ardy. Inirapan ko nalang sya at inilagay sa cart yung napkin.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...