Janelle's POV
Nandito ako ngayon sa school ground. Kakatapos ko lang mag-lunch.
"Hi Janelle." Bati sakin ng babaeng di ko naman kilala. Nakaharang sya sa daraanan ko. May kasama pa syang dalawa pang babae na nasa likod nya.
Mga mukha silang mayayaman, sosyal pero ramdam kong hindi magiging maayos ang pakikipag-usap ng mga ito sa akin.
"Ahm hi? Sorry ah pero magkakilala ba tayo? Ahm transferees ba kayo dito?" Tanong ko sakanya habang nagpapalipat-lipat ang kamay ko sa aming dalawa.
Hindi sila naka-uniform, wala rin silang ID kaya di ko malaman kung taga-san silang school.
"You probably doesn't have any idea kung sino ako pero ikaw, kilala kita. Kilalang-kilala kita." Pagmamataray nyang sagot sakin. Naka-cross arms pa sya, ganun din maging ang dalawang kasama nya.
"Masama pala talaga ang ugali nya. Di naman kagandahan." Sawsaw nung kasama nya na may nunal sa may bibig. Inirapan pa ako nito.
Anong problema ng mga ito sakin? Ngayon ko lang sila nakita tapos ganto nalang kainit ang dugo nila sakin.
"Saglit lang ah. As far as I remember, hindi tayo magkakilala so technically wala kayong karapatang laitin ako at pagsalitaan ako ng kung ano-ano. Sino ba kayo? Ano bang ginawa ko sainyo?" Sagot ko sakanila.
"Ang trashy talaga ng ugali mo. Totoo nga ang balita." Dagdag nung isa pa nilang kasama na naka-syete ang buhok at nginisian ako ng nakaka-insulto. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Hahaha. You're just kidding, right? Ako pa talaga yung trashy ang ugali? Really? Coming from you ah." Pagmamataray kong sagot sakanila.
Tss, ang alam naman nila eh masama ang ugali ko kaya papanindigan ko nalang. Di ko naman pwedeng hayaan na lait-laitin nila ako na wala akong ginagawa. Tsaka di ko sila maintidihan, ano bang pinanggagalingan ng galit nila sakin?
"Hahaha. Ikaw naman, masyado ka yatang palaban. Natatakot ka na ba samin? Wag muna. It's too early for that." Saad nitong bumati sakin. Sya yata ang leader ng mean girls na ito. Sya yung nakikitaan ko ng sungay. Yung sa dalawa, parang patubo palang.
"Ano daw? Ako, natatakot? Haha, san galing yun? Tsaka ano bang pakay nyo sakin? Sino ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...