Chapter 25

11 1 0
                                    

Kyle's POV

Hi. I'm Kyle Versoza, ang bigla nalang naglaho na boyfriend ni Andrea---ni Janelle Andrea Aguinaldo. Tss.

"Babe! ARE YOU REALLY OUT OF YOUR MIND?! HAVE YOU LOST YOUR SENSES THIS TIME?!" Galit na galit na sigaw sakin ni Juliana, ang girlfriend ko ngayon.

"Bakit na naman?" Walang ekspresyong tanong ko pabalik sakanya habang abala ako sa paghithit ng sigarilyo't nakasandal sa pader.

Nandito kami ngayon sa likod ng restaurant kung saan nakita ko sina Andrea. Sa totoo lang, hindi ko rin naman inaasahan na makikita ko sya doon. Medyo malayo kasi yung resto na yun sakanila.

"HA! ANONG BAKIT NA NAMAN?" Di makapaniwalang tanong nya pa't pilit na iniangat sakanya ang paningin ko. "Kailangan mo pa ba talaga syang lapitan? Bakit? Hindi na ba sapat yung nakikita mo lang sya mula sa malayo?" Sarkastikong tanong nya kaya salubong ang kilay ko na tumingin ng diretso sakanya na sya namang ikinagitla nya.

Oo, alam nyang ex ko si Andrea at alam nya ring sinusubaybayan ko pa rin ang bawat kilos nya simula nung maghiwalay kami hanggang sa makabangon sya mula sa panlolokong ginawa ni Primo sakanya.

"Tss. Ano na naman bang gusto mong palabasin ngayon?" Inis na tanong ko.

"What do you think?" Tanong nya pabalik at pinag-krus pa ang mga braso habang naghahantay ng isasagot ko.

"Kahit kelan talaga ang hirap mong paliwanagan." Sagot ko't itinapon ang upos ng sigarilyo saka ibinuga pataas ang usok. "Sige lang, hahayaan kita. Isipin mo ngayon kung ano na naman ang gusto mong isipin. Hindi na kita kokontrahin. Patayin mo ang sarili mo kakaisip ng mga bagay na kinapa-praningan mo!" Nakangising sagot ko sakanya't tinalikuran sya. Napasinghal naman sya sa ginawa ko't humabol sakin.

"WOW. HAHA. Now you're being ridiculous! Hoy Kyle! Baka nakakalimutan mong girlfriend mo 'ko kaya MAY KARAPATAN AKONG MAGSELOS---"

"AT ANO NAMANG KASELOS-SELOS DUN SA GINAWA KO?!" Galit ng sigaw ko sakanya't hinarap sya na nanlalaki ang mga mata. Natigilan sya sa pagsunod sakin at nandun na naman ang di-makapaniwalang reaksyon nya.

"Tss. Kahit kelan ang kitid kitid ng utak."

"Lumapit-lapit ka pa kasi sa lintek na Janelle na yun! Sabi mo lalapit ka lang para i-check kung sya ang nakikita mo PERO TALAGANG NAGPAKITA KA PA SAKANYA WITH THAT BIG BIG SWEET SMILE?" Nanlalaki ang matang sagot nya kaya mas nagsalubong ang mga kilay ko. "We were suppose to be dating there and celebrating our anniversary but you---you obviously wanted to hang out with your damn ex-girlfriend!!!"

"P***** *** naman Juliana! Hanggang kelan ba magiging issue sayo si Andrea? Ha? Lahat nalang sakanya pinagseselosan mo! Wala ka bang tiwala sakin? O MAS WALA KANG TIWALA SA SARILI MO? Dahil natatakot kang iwanan kita para kay Andrea? HAHA. DAMN THAT INSECURITIES!" Sigaw ko na naman sakanya habang dinuduro-duro pa sya.

Wala akong pakealam kung pinagtitinginan kami ng mga taong napapadaan sa may samin.

Subukan lang nilang makialam, baka ako na ang huling taong makakita na humihinga pa sila. Tss.

"What did you just say? Ako? Insecure sa ex mo?" Turo nya pa sa sarili nya habang nakataas ang isang kilay.

"HAHA. Bakit hindi ba?" Sarkastikong tanong ko. "Ilang taon na kaming hiwalay ni Andrea pero hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sakanya? HAHA. Ilang taon na rin tayong magkarelasyon pero natatakot ka pa ring baka balikan ko sya. Sa tingin mo ba, liligawan kita kung sya pa rin ang gusto ko?" Dagdag ko pa na ikinatahimik nya. "Kung gusto ko man syang balikan, sana noon pa ginawa ko na. Nung wala ka pa." Kalmado at sinserong dagdag ko na halata namang ikinakalma nya rin.

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon