Chapter 20

12 2 0
                                    

Ardy's POV

Aaminin kong totoong nagalit ako sa mga sinabi ni Janelle sakin kanina habang nasa sasakyan pa kami. Hindi ako sakanya galit...sa mga sinabi nya ako nagagalit.

Kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Fvckin' sh1t. Sa harap nya pa ako umiyak. Nakakahiya. Sobrang lame ng ginawa ko.

But I was really mad. Sino ba namang hindi magagalit kapag ganun ka pala nya pag-isipan?! I didn't really expect that. Nakakabigla na ganun pala ang tingin nya sakin. Akala nya ang dahilan ko kung bakit hindi ko sakanila sinabi ay dahil sa pera! God d*** it! I didn't even think about it dahil wala talaga akong pakealam kung ubusin man nila ang pera ko as long as we're still friends. Kahit magpalibre pa sila sakin araw-araw o humingi, ayos lang sakin yun. As long as their happy to be with me and I'm happy to be with them. Alam ko naman kasing hindi sila ganung klaseng kaibigan eh.

Aaminin kong medyo nabawasan ang galit ko nung niyakap nya ako. Napaka-comforting kasi nang mga yakap nya pero nanatili akong cold sakanya para naman hindi nya sabihing ganun ako kadaling magpatawad. Baka abusuhin nya eh. Konting yakap lang, okay na kami.

After ng pananahimik nya eh napag-isip isip kong...patawarin ko na sya. HAHA. Ang hirap nya naman kasing tiisin kahit na sya ang may kasalanan, pakiramdam ko ako yung may kasalanan sakanya kapag di ko sya kinakausap ng maayos.

Niyakap nya naman na ako. Okay na sakin yun. At least alam kong nagsisisi sya sa mga sinabi nya sakin. HAHAHA. Kakalimutan ko nalang na ganun yung mga sinabi nya kanina.

Hinarap ko na sya at magsasalita na sana pero...

'TULOG? How can you afford to sleep knowing that I'm still mad at you? Galing talaga ng babaeng 'to. Tss.'

Di ko tuloy alam kung seryoso ba syang nagsisisi na sa mga sinabi nya sakin at tama bang patawarin ko na sya. Tulugan ba naman ako? Ha! Ibang klase. Tsk tsk tsk.

Nanatili nalang akong nakatingin sakanya at pinagmasdan nalang syang matulog.

'Pasalamat ka't maganda ka pa rin kahit tul---.'

"What did I just say?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sakanya. "Ano bang mga pinagsasasabi mo Ardy?" Tanong ko ulit dahilan para gumalaw sya't salubong ang kilay na tingnan ako.

"Aiiissshh. Ang ingay mo naman! Natutulog yung tao eh!" Reklamo nya't inirapan ako saka pumikit ulit.

"Hoy! Seriously? Babalik ka ulit sa pagtulog?" Sagot ko sakanya at inalog-alog pa sya sa balikat.

"Oo." Sagot nya kahit nakapikit pa rin. "Mag-isip ka nalang ulit jan." Dagdag nya pa.

"Tapos na akong mag-isip." Masayang sagot ko sakanya pero binalewala nya lang ako.

'Grabe!'

"Umayos ka nga ng upo. Pahiga muna ako sa lap mo. Sakit sa batok ng ganto eh." Biglang sabi nya't pilit na inayos ang lap ko at inihiga dun ang ulo nya. "Antok na antok pa ako."

"You're wearing white shirt tapos hihiga ka lang ng ganyan jan?! Kababaeng tao nito." Kunwaring reklamo ko sakanya pero hindi na naman sya sumagot.

Ang totoo eh naiilang ako sa ginawa nya. Kanina pa ako naiilang sakanya, yung mga pagyakap nya at paghawak nya sa pisngi ko...lahat yun sobra akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero hinayaan ko lang. Baka nabibigla lang ako.

Hindi nalang ako gumalaw at hinayaan syang matulog.

'Paano nya nakukuhang matulog in public places? Nakakahiya kayang matulog na marami ang nakakakita sayo.' Tanong ko habang pinagmamasdan ang mukha nya. Sobrang amo talaga ng mukha nya.

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon