"Tara ?" Singit ni Kim. Nakatingin silang lahat samin ni Ardy."Tapos na ba kayong mag-usap ?" Nakangiting tanong ni Naomi.
Alam nila ? Anong klaseng powers ba ang meron sila ? Ibang level na ang pagiging tsismosa nila ah.
Nakakapangilabot.
"Tara na, yan na ba lahat ng kinuha nyo?" Pag-iwas ko sa tanong nila at kinuha na ulit yung kaninang bitbit ko.
Hindi naman na sila nag-ingay pa at sumunod na sakin.
Pagdating namin sa likod, nagpaunahan na naman silang umupo at naiwan kami ni Ardy na nakatayo. Marami naman yung upuan, bakit kailangan pang magpaunahan ?
"Oops...sorry." Sabi ni Naomi at nag-peace sign sakin.
"Tabi nalang kayong maupo ni Ardy. Ang bagal nyo kasing maglakad." Sabi naman ni Kim.
"If I know, sinadya nyo ito." Sabi ko sa isip at tiningnan sya ng masama.
Pero wala namang problema sakin kung magtabi kami, sakanila lang talaga may ibig sabihin ang lahat. Tss.
Hinayaan ko nalang sila at umupo. Umupo rin naman sa tabi ko si Ardy.
"So anong gagawin natin ngayon ?" Tanong ko sakanila.
"Usap." Sagot ni Kim.
"Usap na kayo." Sabi ko at sumandal sa upuan.
"Di ka sasali ?" Tanong ni Vienna.
"Depende kung magustuhan ko yung pag-uusapan nyo, sasawsaw nalang ako pero sa ngayon, makikinig lang muna ako sainyo." Bored na sagot ko.
Ang boring naman kasi ng gagawin nila, usap-usap lang tapos walang gagawin. Napaka-boring.
"Lagyan kaya natin ng twist ?" Napatingin ako sa sumingit na si Jake.
"Tulad ng ?" Tanong ni Naomi.
"Spin the bottle?" Sagot ni Jake.
"Hayyss...masyadong common." Reklamo ni Naomi at Kim.
Masyado ngang common pero at least may thrill yung gagawin nila.
"At least hindi ganun ka-boring yung gagawin nyo." Singit ko.
"Tama." Pagse-segunda ni Jake.
"Truth or dare kung sinong matuturo ng bote ?" Tanong ni Kim.
BINABASA MO ANG
Almost Paradise
FanfictionThings will surely change after experiencing things you consider as tragic. After loosing everyone and everything that you treasure. May mga bagay talagang magpapabago sa takbo ng buhay mo at kung paano mo haharapin ang mga bagong araw na pakiramdam...