Chapter 5

31 1 0
                                    

Magta-tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng mga pangyayaring iyon.

Yung tinulungan kong naligaw, si Ardy, ang pagkagalit sakin ni Kuya at ang pambubulabog na naman sa amin/sa akin ni Primo.

Simula nung gabing yun, hindi na ako kinikulit ni Primo. Nanahimik yung buhay ko sa school at sa bahay. Walang nambi-bwiset sakin.

Natakot yata sa pambabanta sakanya ni Kuya.

Yung mga kaklase ko naman, lalo na yung walang hiyang Kate na yun ? Wala ng pakealam sakin.

Sino bang nawalan ? Hindi naman ako. Haha SILA yung nawalan, nawalan ng mapagkokopyahan.

"Asan na kaya yung Ardy na yun ? Kam---"

Napatigil ako sa pag-iisip nung naalala ko yung pagkasubsob ko sakanya.

Arghhhh hanggang ngayon nahihiya pa rin ako. Grrrr ang dami pa naman ng nakakita noon.

"Arrrgggghhhhh!!!" Sigaw ko.

"WHAT'S YOUR PROBLEM MS. AGUINALDO ?!" Sigaw sakin nung librarian.

Nakatingin na sa akin ang lahat ng tao dito.

Nakalimutan kong nasa library pala ako ngayon.

"Naku naman Janelle, ano bang ginagawa mo?" Bulong ko.

"Manners Ms. Aguinaldo, I'm asking you, why aren't you answering me?!" Sigaw nya ulit.

Naku naman, dagdag pa ito. Nakakahiya.

"I'm sorry po Miss. Wala pong problema, may iniisip lang po kasi ako at nakalimutan ko pong nasa library ako." Pag-amin ko sakanya at yumuko.

Hiyang-hiya na ako.

"Mind your actions next time Ms. Aguinaldo." Mataray nyang sabi.

"Sorry po. Di na mauulit." Sabi ko habang nakayuko pa rin.

"Continue whatever you're doing and shut up. Remember, if this happens again, I'll send you out." Pahabol nya pa.

Di na ako sumagot.

Ang taray-taray naman ng librarian na to, di naman kagandahan.

"Kaya ka hindi nagkaka-love life eh, ang taray-taray mo kasi." Bulong ko.

Buti nalang hindi ako narinig ng librarian at umalis na.

Naalis na rin ang tingin sa akin ng ibang mga estudyante.

Bwiset na buhay to!

Ipinagpatuloy ko na ang pagkopya ng kailangan ko para sa next subject. Yung iba pinicturan ko nalang.

Almost ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon