Kim's POVTotoo ba talaga yung nakita ko kanina? Pero pano nangyari yun sila ba?
Tapos bigla Kong naalala yung pinag chichismisan ng mga babae kanina sa cafeteria.
Di kaya sila yun? Kasi kung Hindi sila bakit sila magkaholding hands at talagang nagtatawanan pa sila.
At talagang na shocked ako kanina kasi first time Kong nakita si ian na ngumiti as in ngayon lang.
At nung makita niya naman ako sobrang gulat siya as in gulat na gulat siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
Kaka uwi lang namin galing sa restaurant pero feeling ko naiwan yung pagiisip ko dun sa restau eh.
Grabe di talaga ako makapaniwala. Gusto Kong kalimutan lahat yun pero di talaga mawala wala sa isip ko eh. I hope bukas mawala na rin to. Patulugin naman sana ako na Hindi iniisip yung kanina.
*Kinabukasan
"Good morning baby" si kuya po yan ang hyper hyper.
"Hi kuya" sabay kiss ko sa cheeks niya.
"Oh bat parang zombie yang pagmumukha mo don't tell me di ka natulog kaka aral. Naku matulog ka naman kahit minsan baka ma ubusan ka ng dugo niyan sige ka" natawa naman ako sa sinabi ni kuya.
At talagang yun pa talaga ang naisip ni kuya no? Naku kuya kung alam mo lang kung alam mo lang.
Ngumiti lang ako at sabay na kaming naglakad ni kuya pababa ng dining area para makakain na.
Nakita namin sila mommy at daddy na kumakain sa hapagkainan.
"Good morning mom, dad" sabay ngiti ko.
"Oh princess anong nangyari sayo bakit ganyan hetsura mo?" Tanong ni daddy sa akin.
"Yan dad kaka aral naging zombie hahaha"
"Baby naman wag mong pinapagod sarili mo sa pag aaral tignan mo yang eye bugs mo oh maawa ka naman sa sarili mo" nagaalalang sabi ni mommy.
"I'm okay mom" nakatingin si mommy sa akin na parang sinasabing sure?
"Really I am" ngumiti ako para maniwala sila.
E bakit ba kasi nagka eye bugs pa ako. E pano ba naman kasi alas 4 ka na ng madaling araw natulog kaka isip d'un sa nakita.
Kumain nalang ako at ginawa ang daily routine ko bago ako pumasok ng school.
Pagkababa ko nakita ko si kuya na nag aayos ng suit niya.
Naglakad ako papunta sa kanya.
"Kuya let me help you" sabi ko sa kanya at inayos ang necktie niya.
At nang matapos ko ay hinalikan ako ni kuya sa noo. Sweet si kuya pagdating sa akin ganun siya eh paminsan minsan nga inaamoh niya kili kili ko eh.
"Thanks baby" nakangiting sabi ni kuya.
"No problem kuya"
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...