Kim's POVMatapos nang 1 linggo nakalabas na rin si Ian ng hospital pumapasok na rin siya sa school. Marami nga ang nagtataka kasi bumalik nanaman ang cold na si Ian.
Yes lahat ng tao sa school nagtatanong sa akin kung bakit hindi na kami laging magkasama ni Ian si margarete na ang lagi niyang kasama pero hindi ko sila sinasagot nanatili nalang akong tahimik.
Kaya heto ako ngayon sa garden mag isa wala ako sa mood kumain ng cafeteria kasi lahat ng kumakain dun sa akin naka tingin. Ayoko pa naman na pinagtitinginan ako.
I used to eat alone before kaya ano naman ngayon kung kakain nanaman ako ulit mag isa sanay na sanay nanaman akong mag isa eh.
Naka upo ako kung saan palagi kami ni Ian umuupo.
Bumuntong hininga ako at hindi nalang inisip yung tungkol sa amin ni Ian noon. Ayoko ng umiyak ayoko na pagod na pagod na akong umiyak gabi gabi, pagod na akong umiyak sa tuwing nakikita ko sila ni margarete araw araw na magkasama na nakalingkis ang mga kamay niya sa braso ni Ian kaya pumupunta ako ng CR para lang umiyak.
Para na nga akong tanga eh pero anong magagawa ko sadyang ganun talaga eh masakit man isipin pero wala na akong magagawa kinalimutan na niya ako, or should i say hindi niya na ako ma alala hindi ko na alam kung anong gagawin ko kasi sa tuwing magtatanong ako sa kanya titignan niya lang ako and then wala na expressionless parin ang mga mata niya.
Mabuti nalang talaga at hindi pa ako umiiyak sa harapan niya. Ayokong magmukhang ewan sa harapan niya.
Huminga ako ng malalim at napag desisyonang humiga sa damuhan. Hindi naman siya makalat eh actually ang garden namin ay sobrang linis.
Nakahiga ako at inilagay ang libro ko sa mukha ko. Pano ba naman kasi tumutulo nanaman yung luha ko nagbabadya nanaman siya.
Kailan ba ako titigil sa pag iyak?
Napansin ko namang parang may nakatingin sa akin kaya tinanggal ko yung librong nakatakip sa mukha ko.
And then i saw Ian standing in front of me.
Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko.
"Pasensya na aalis na ako" sabi ko at aalis na sana ang kaso hinawakan niya ang braso ko.
Hindi ako lumingon sa kanya oras na lilingon pa ako e iiyak lang ako. Ayokong makita niya akong umiiyak i don't want him to pity me.
"Sino ka ba talaga?" Nabigla ako sa tanong niya. Kaya kahit na nag uunahan sa pag agos ang mga luha ko ay tumingin pa rin ako sa kanya.
"K-kaklase m-mo" na uutal na sabi ko habang tinatanggal ang mga luha sa mata ko.
Umiling siya at tinignan lang ako na parang ini examine niya ako.
"Why do people keep on saying that you are my girlfriend. Are you really my girlfriend?" Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya?
Hindi ko alam, walang lumalabas na salita sa bibig ko. Dang! Ano ba naman to. Traydor pa tong mga luha ko kasi tumutulo nanaman sila bakit ba hindi sila marunong makisabay? Eh ako na nga tong todo pigil ng nararamdaman ko pero talagang matigas eh iiyak talaga siya ng iiyak.
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...