Ian's POVNagising ako sa tunog ng phone ko at sa ringtone palang ng tawag ng phone ko ay alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin.
Napangiti ako ng makita ko ang picture ng napakaganda kong girlfriend.
"Hello babe good morning" bati ko sa kanya ng masagot ko ang tawag niya.
"Hello good morning, gising ka na diyan may pasok pa tayo" bungad niya sa akin.
"I can't wait to go to school para makita ka" i heared na natawa siya sa sinabi ko.
"Haha ang aga aga nanghaharot ka sige na diyan tumayo na ka at maligo na. Papunta na ako ng school ngayon malapit na ako"
Tumayo na ako sa higaan ko.
"Opo mam maliligo na po" natatawa siya sa mga sinasabi ko.
I love to hear her laugh lalong lalo lang siyang gumaganda kapag tumatawa siya nakaka good vibes siyang tignan.
"Okay bilisan mo na diyan, bye babe i love you" sh*t ke lalake kong tao kinikilig ako damn this feeling nababakla na yata ako eh.
"I love you more see you later" sabi ko sa kanya. Binaba niya ang tawag kaya naligo na ako at nagmamadaling pumunta ng school. Gusto kong makita ang girlfriend ko ngayon.
Masaya akong nagbiyahe gamit ang sasakyan ko papunta ng school may pa humhum pa akong nalalaman. Damn! Nakokorny na talaga ako sa sarili ko pero anong magagawa ko sadyang mahal na mahal ko talaga ag girlfriend ko na kahit ang weird na nang ginagawa ko wala pa rin akong paki alam.
Yun bang napapangiti nalang ako sa tuwing na iimagine ko ang masayang at magandang mukha ng girlfriend ko.
Yung sa tuwing nakikita ko siya ang saya saya ko na, mahawakan, mahagkan, mayakap ko lang siya buo na ang araw ko, masabiha niya kang ako ng i love you kinikilig na ako na parang bakla. Ganito pala nagagawa ng pag ibig. Sana habang buhay na kami itong nararamdaman ko tong amin sana wala nang problema pang dumating.
Nakarating na ako ng campus at ipinark ko na ang sasakyan ko.
Naglalakad ako papunta ng room namin. Alam kong sanay na sanay akong pagtignan ng mga tao dito sa school pero halata sa mga mukha nila ang pagkabigla ng makita akong nakangiti na naglalakad sa hallway.
Wala akong paki alam sa mga iniisip nila ang akin lang ay masaya ako ngayon. Masayang masaya na parang walang sino man ang pwedeng makaka alis sa akin nito.
Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng dahilan ng pagtayo ko, ang dahilan ng kasiyahan ko and dahilan kung bakit nabubuhay ako.
Pagkarating ko ng room eh nakita ko kaagad ang girlfriend ko na nagbabasa ng libro. She's wearing a dress a floral dress that really suits her and it shows a curve in her body, her hair? Nakatali ito na may kainting hibla ng buhok na nahuhulog sa kanyang mukha.
Napapangiti nalang ako kasi maswerte ako dahil girlfriend ko ang isang katulad niya.
Napansin naman niya ako kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...