Outing

40 2 0
                                    


Kim's POV


"Mommy punta kaya tayo ng Greece tagal na nating d-i nakapag honeymoon eh yung tayong dalawa lang?" That's my dad po ang hilig hilig mag PDA kay mommy.






"Iiwan natin mga anak natin dito?" Tanong ni mommy kay daddy kaya nagkatinginan kami ni kuya.






"Oo alin ba sa tayo ang hindi mo maintindiha d'un? I mean tayo, ikaw at ako" natawa kami ni kuya ng mahina sa sinabi ni daddy kaya tinignan siya ni mommy ng masama.






"Ewan ko sayo" tatayo na Sana si mommy ng hilahin siya ni daddy pabalik dahilan na mapa upo si mommy sa lap ni daddy.






"Nag jojoke lang naman ako eh sorry na" ang landi jusko d-i na bagay sa edad nila matatanda na po sila.






"What I mean honey is we need to spend time alone. Yung tayong dalawa lang muna total malalaki na naman mga anak natin kaya hindi na natin sila ginambala pa lalo't lalo na at may mga syota na ang mga yan. Let them free kahit mga 1 week lang d'un muna tayo sa Greece please mommy honey please" sabi ni daddy ag nagmamaka awa pa.






Tinignan lang kami ni mommy at sabay kaming tumango ni kuya kay mommy saying that they can be alone going to Greece we can take care of ourselves and we won't be in trouble.






"Hon are you sure about it?" Tanong ni mommy.






"Yes I am" masiglang sabi ni daddy.






Bumuntong hininga si mommy tsaka tumango.






"Ikaw Gerald ikaw ang magbantay sa kapatid mo ha? Kailangan walang mangyayaring masama sa kanya understood?" Tumango si kuya.







"And you too baby please stay away from all the harm. Okay? Be careful always" sabi ni mommy sa akin. Tumango naman din ako.






"So hon when are we going to Greece?"






"This afternoon" nagulat kami sa sinabi ni daddy. Talagang mamayang hapon talaga sila pupunta ng Greece? Mukhang planado na agad ni daddy ang lahat ey. Prepared na prepared siya.







"D-i masyadong halata dad na pinagplanohan mo. Kaya naman pala ako ang pinapagawa mo sa lahat ng paper works sa office kasi may Plano kang ganito ngayon tsk pinapahirapan mo pa ako sa work kanina eh" nagkakamot na sabi ni kuya.






"Arte mo, eh sino naman yung kahalikan mong babae sa office kanina ha? I don't think she's your type of a girl and i think she's pregnant are you the father?" panunuksong sabi ni daddy.







"Oh come on dad people change, and sa ngayon ang alam ko lang masaya ako ulit dahil bumalik na siya ang babaeng napabago sa akin" nakangiting sabi ni kuya kaya nagkatingan kami ni mommy.







"Grabe kuya hindi ka man lang nagsasabi sa akin na may girlfriend ka na pala. Is this a serious one? Or she's just some of your toy again?" Umiling si kuya and I saw him smiling like he is in love.







"Now is a serious one" ooohh! First time ko yatang narinig sa kuya ko yan eh.






*Afternoon


"Please Gerald take good care of your sister please wag mong pababayaan ha?" Si mommy po yan kinaka usap si kuya. Like hello malaki na po ako pero ganyan pa rin sila sa akin, siguro nga dahil sa sakit ko na rin to eh.







"Yes mom I promise"







"You too baby take care always" sabi ni mommy sa akin kaya tumango nalang ako bago niya ako hinalikan sa pisngi ganun din naman si daddy sa akin eh.







Nasa labas kami ng bahay sa may parking area to be exact kasi pupunta na sila ng Greece ngayong hapon. Ewan ko ba kay daddy bat ang bilis niyang na isip na pumunta ng Greece ngayong hapon agad agad.







Nagpaalam na din sina mommy sa amin at umalis na sila. Pumasok ulit kami ni kuya sa loob ng bahay.







Now the house is so quiet.







"Baby?" Si kuya po yan.








"Bakit kuya?"







Nag isip muna siya ng sasabihin niya at halata sa mukha ni kuya na excited siya sa sasabihin niya kitang kita sa mukha niya eh.







"Why don't we go on a beach for 3 days? Total sina daddy at mommy papunta sa Greece so tayo naman sa beach" napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya.







"Ang boring naman kasi dito sa bahay imagine 1 week sila sa Greece tapos tayo dito lang sa bahay?"








Hindi ko alam pero gusto ko rin mag beach pampatanggal ng stress sa school works. Total may 2 weeks walang pasok naman kami eh ano ba naman yung gamitin ko yung 3 days na yun para mag unwind para naman mawala yung stress ko.







Tumango ako sa suggestion ni kuya at ngumiti si kuya sabay pisil ng pisngi ko.







Jusko lord ang sakit ng kurot ni kuya sa pisngi parang nang gigigil eh.







"Kuya naman masakit eh" angal ko sa kanya.







"Ayy sorry baby sorry" sabi ni kuya habang hinahaplos yung pisngi ko.







"Okay lang kuya, sa susunod kasi wag mo akong pang gigilan ang sakit kasi ng kurot mo eh" natawa naman si kuya.








"Pero may isasama tayo" kumunot nanaman ang noo ko sa sinabi niya.







"Sino naman kuya? Mga pinsan natin?" To be honest guys kunti lang ang cousin naman sa side ni daddy I think 4 lang yata kaming lahat magpipinsan sa side ng daddy ko.







Sina daddy kasi ano 2 lang silang magkakapatid kagaya namin ni kuya. Tapos tig dadalawa lang yung mga anak din nila.







Sa side ni mommy yun ang marami kaso nasa probensya sila sa Mindanao yata si mommy nakatira dati eh kaya naiwan sa mindanao ang pinsan naming iba sobrang dami.







"No hindi pinsan natin kundi ang girlfriend ko at ang boyfriend mo"







"What?" Gulat na tanong ko sa kanya.







"Yes you heard me right"







"Sure ka diyan kuya?" Tumango lang siya.







"Actually nasabihan ko na si ian kahapon pa kasi yun naman talaga ang Plano ko eh yung mag outing then timing din kasi nagpunta sina mommy ng Greece. I've already talked to Monica about sa outing natin"








"So ako lang pala talaga ang walang alam?" Grabe d-i man lang sinabi sa akin ni ian eh kagabi naman magkatxt kami kailangan pang si kuya ang mag sabi sa akin para malaman ko? Eh ano naman kayang pinagkaiba eh parihas lang naman na outing yung pupuntahan namin.







"Papunta na si Ian dito. Tinawagan ko na siya kanina pa na pumunta siya dito para bantayan ka kasi kukunin ko muna si Monica sa apartment niya"







What pupunta dito si Ian?







*Dingdong*







Andito na agad siya? Ang bilis naman yata.

His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon