Kim's POVMatapos yung pag-uusap namin eh naging close na kami. Paminsan minsan nakikita ko na siyang tumatawa or should I say ngumingiti.
"Woy"bungad niya sa akin. Napatulala pala ako di ko man lang nabatid.
"Ikaw talaga napaka mo" sabi ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Malamang kumakain. May napapansin nga ako sa mga Tao ngayon eh. Lahat sila grabe ang tingin sa amin or should I say sa akin pala.
Ano bang nagawa Kong kasalanan?
"Ammm Ian?" Tawag ko sa kanya kasi naman may itatanong ako.
"Hmm?" Sabi niya pero di siya nakatingin sa akin sa libro lang siya nakatingin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Napatingin siya sa akin at tinignan ako ng mabuti.
"Wala naman, bakit?"
"Eh kanina pa kasi ako pinagtitinginan dito eh. Like hello alam kong panget ako pero yung pagtinginan ako nila na wala naman akong alam na kasalanang ginawa nakakatakot eh parang kakainin nila ako ng buhay" sabi ko sa kanya kaya tumingin na rin siya sa mga Tao sa cafeteria. At tumingin ulit sa akin nag shrug lang siya.
"Wag mo nalang pansinin" sabi niya kaya di ko nalang sila pinansin.
Kumakain lang ako ng kumakain hanggang sa nagpaalam si Ian na mag c-CR daw muna siya kaya tumango nalang ako. Sarap pa naman ng burger dito.
Kumakain ako ng kumain ng biglang may naglapag ng school newspaper namin. Napa angat ako ng tingin and to my surprised it was margarete number 1 fan ni Ian or should I say siya ang babaeng nangunguna sa pagpapantasya Kay ian.
Kumunot ang noo ko kasi wala naman akong kasalanan sa kanya pero kung tignan niya ako parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin na boyfriend mo si Ian, hindi ka ba nandidiri ha? You ugly and boring nerd" sabi niya. Ang sakit naman magsalita ng babaeng to wala naman akong ma alala na may kasalanan ako sa kanya.
"Tignan mo yan ng malaman mo" sabi niya at tinignan ko yung school newspaper namin at ano to headline kami ni Ian yung picture kung saan kinunan kami ni tony ng picture yun yung nakalagay at ang title pa "Love changes a person" srsly? Ewan ko kung magagalit ako o matatawa eh.
"Ang kapal mo, akin lang si Ian you heard that?" Sabi niya at binuhusan ako ng nestea na nasa mesa ko. Huhuhu sayang yung nestea ko.
Naka agaw na kami ng attention sa lahat ng Tao dito sa cafeteria. Di ako makapalag kasi kasama niya mga alipores niya baka kung pagtulungan nila ako.
"Ano ba tigilan niyo na si Kim" I heard Jeff from behind.
"Look Jeff ang kapal ng nerd na ito sinabing boyfriend niya raw si Ian" sabi ni margarete. Napatingin si Jeff sa akin parang nagtatanong yung tingin niya pero di ako sumagot.
"Totoo ba to Kim?" Patay na dumagdag pa talaga si Jeff eh.
"Oo totoong may relasyon kami" hindi po ako yan si Ian po yan and it is his first time talking in front of many people. Hindi kasi siya palasalita sa akin lang yan nagsasalita.
"I-ian?" Namangha si margarete dahil alam Kong first time niyang marinig si Ian magsalita.
Hinawakan ni Ian ang kamay ko at itinayo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. I can see it in his eyes ang awa para sa akin. Basang basa po ako ng nestea eh.
"The next time you will hurt my girlfriend, I will be your enemy" sabi ni Ian at lumabas na kami ng cafeteria.
Tumigil kami sa tambayan namin kung nasaan ang malaking puno.
"Ayan basang basa ka. Tsk! Wala kang extra damit na dala?" Umiling ako. Tsk! Di naman kasi ako nagdadala ng extra t-shirt eh. Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito eh Sana nakapag prepare ako.
Nakatingin lang ako sa kanya yung mukha niya kasi yung mukhang parang nag aalala. Iba talaga eh.
"Okay lang naman ako Ian, at salamat na rin dun sa ginawa mo kanina. Di ko naman aakalaing tutuhanin ni Tony yung sinabi niya sa atin" sabi ko at parehas pa kaming napabuntong hininga.
"Tara sama ka sa akin may kukunin lang ako" sabi niya at hinawakan nanaman ang kamay ko.
Di ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako kung saan.
Napalaglag ang panga ko ng malamang boys locker room ang pinasukan namin.
"Anong gagawin ko dito eh bawal ako dito, baka may makakita pa sa atin kung ano pang isipin" di niya ako pinansin hila hila niya parin ako hanggang sa makarating kami sa locker niya.
Binuksan niya ito at wow ang daming damit. Dito ba siya sa school natutulog? Bakit ang daming damit.
May kinuha siyang damit na itim ang kulay na ang nakalagay ay "Black is the ebsence of white" yun yung nakalagay sa damit.
Ang laking T shirt nito paniguradong hanggang tuhod ito at malamang sa malamang eh magmumukhang dress ang damit na ito sa akin.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya ng maibigay niya sa akin yung damit.
"Eh ano ba ang ginagawa sa damit di ba sinusuot kaya suotin mo na yan naka locked tong locker room na to walang ibang makakapasok dito kaya magbihis ka na tatalikod na ako" sabi niya. Di ba magmumukhang rapper nito sa malaking damit at naka jeans ba.
Eh dahil nga basa ako di nalang ako umangal at isinuot yung damit. Ang arte arte pa eh papayag rin naman pala. Tsk!
Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Damn! Matapos Kong magbihis eh tinawag ko kaagad si Ian.
"Ian I'm okay na" sabi ko kaya napatingin si ian sa akin.
"Salamat nga pala at pinahiram mo sa akin tong damit mo ha? Wag kang magalala lalabhan ko to bago ko isasauli sayo" sabi ko ulit sa kanya pero wala lang siyang imik.
Sa kakatitigan naming dalawa at bigla nalang nag ring ang bell ng school. Hudyat na malapit na ang klase magsimula.
"Ammmm" sabi ko sa kanya.
"I think kailangan na nating pumasok baka mapagalitan pa tayo" sabi niya at sabay kaming lumabas ng boys locker room.
BINABASA MO ANG
His Secret
RomantikA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...