Kim's POVMatapos naming maligo ni ian kanina sa beach eh sa sobrang pagod ko ay nakatulog na pala ako di ko man lang namamalayan.
Kaya napag desisyonan kong kumabas ng kwarto ko nakikita ko si ate monica na kumakain nang fries at sinawsaw sa milk powder ang wierd talaga ng mga buntis no? Tulad nalang ni ate monica hindi mo ala kung anong iniisip nila minsan nagiging masaya siya, minsan naman umiiyak, minsan nalulungkot nalang bigla tapos minsan mainit ang uli kay kuya.
Sabi pa niya ang baho daw ni kuya kaya palagi siyang nakadikit sa akin amoy baby daw ako pero wala naman akong nilagay na perfume eh kahit cologne man lang naglalagay lang ako ng polbo sa mukha at sa likod ko. Napapawis kasi ako lagi eh.
"Hi ate monica nakita niyo po ba si Ian?" Napatingin siya sa akin at ngumiti sabay offer niya ng fries na may powder milk. Umiling ako kay ate at tumango.
"I think lumabas sila ng kuya mo saba kasi silang nawala nakatulog din kasi ako kanina ng dumating kami dito matapos naming bumili ng 2 kilong fries hehehe ang layo pala ng bilihan dito" sabi ni ate monica kaya na upo ako sa tabing sofa niya at nanunuod siya ngayon ng spongebob ang ewan nga eh kasi nakakatuwa naman yung palabas na spongebob peri si ate monica umiiyak.
"Kawawa naman si spongebob palaging inaaway ni aquidward" umiiyak na sabi ni ate. Grabe iba talaga tupak ng mga buntis no?
Tinapik ko si ate sa balikan niya at kinomfort siya.
"Okay lang yan ate makakayanan din yan ni spongebob yan wag kang mag alala" sabi ko at nakisabay na rin sa trip na. Naku baka magwala pa dilikado buntis pa naman hahaha.
Asan na kaya yung dalawang yun sabay pa talagang nawala iniwan pa ni kuya si ate na mag isa dito.
Nakatingin lang ako kay ate monica na kumakain ng fries na sinawsaw sa powedered milk. Grabe ano kayang lasa nun? Ang wierd talaga hindi ba yun nakakasama sa kanila ng pamangkin ko kasi hindi na halok kumakain si ate monica ng kanin, meat at veges palaging fries at powdered milk nalang ang kinakain niya nababahala na talaga ako sa kanila.
"Ate monica gusto mo bang kumain ng kanin? Ipaghahanda kita" tanong ko sa kanya. Umiling lang si ate monica at ngumiti sa akin.
"Okay lang ako kim wag kang mag alala hehe" sabi ni ate kaya wala na akong magagawa di nga nakaya ni kuyang patahanin si ate ako pa kaya? Hahahaha
Pero makalipas ang ilang oras wala parin sila kuya. Malapit ng mag gabi pero wala pa rin sila baka kung ano ng nangyari sa mga yun kaya heto ako ngayon tinatawagan si ian pero hindi siya sumasagot ring lang ng ring yung phone niya.
Asan na ba kasi sila nag aalala na ako bakit ba kasi hanggang ngayon hindi pa rin sila umuowi.
"Ate monica alam mo ba kung saan pumunta sina kuya ge at ian?" Umiling lang si ate monica habang pinapahiran niya ang mga mata niya na basang basa na ng luha. Pano spongebob pa rin yung pinapanood niya. Grave talaga tong si ate alam niya bang makakasama sa kanya ang pagiging emisyonal baka ma apektohan yung baby eh.
Maya maya lang ay dumating na rin si kuya ge pero hindi niya kasama si ian.
"Kuya? Alam mo ba kung nasaan si Ian?" Nagulat si kuya sa tanong ko matapos niyang e kiss si ate monica sa lips.
"Ha? Hindi pa ba siya nakakabalik?" Umiling ako sa tanong ni kuya sa akin.
"Na una siyang umuwi sa akin eh sabi niya pupuntahan ka na niya" naiiyak na ako pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Asan na ba yung lalakeng yun bakit hindi pa umuuwi natapos na kaming kumain pero wala pa rin siya hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya baka kung napano na siya. Sana naman walang masamang mangyayari sa kanya jusko!
"Hindi pa ba siya dumadating?" Tanong ni kuya sa akin. Nandito kasi ako sa labas ng room namin iniingay si Ian na dumating kanina pa ako dito ang lamig lamig na mabuti nalang at walang lamok dito.
"Hindi pa nga eh nasaan na ba yun" nag aalalang sabi ko kay kuya pero bumuntong hininha si kuya.
"Wag mo masyadong pinag iiisip yan kasi nakakasama yan sa kalusugan mo bakit sumakit nanaman yang dibdib mo" sabi ni kuya kaya tumango ako sa kanya.
"Pumasok ka na kasi malamig dito sa loob mo nalang antayin si Ian" sabi ni kuya sa akin kaso umiling lang ako.
Tumango nalang si kuya at pumasok na uli sa room namin.
Sana naman walang masamang nangyari kay Ian jusko.
Naghihintay pa rin ako kahit na 3 oras na ako sa labas at hiniginaw na ng sobra wala akong pake kasi alam konh babalik din si Ian hindi ko nga lang alam kung nasaan siya pero ramdam ko babalik siya.
Inaantok na ako pero pinipigilan ko ang sarili ko ayokong matulog ng hindi pa siya nakaka uwi.
Nag antay ulit ako ng 1 oras pero wala pa rin siya tinignan ko ang wrist watch ko at 10 na pala ng gabi. Asan ka na ba kasi kinakabahan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko di ko man lang alam kung saan ka hahanapin di ko pa naman kabisado tong boracay.
Gusto ko na talagang matulog pero wala eh hindi talaga ako matatahimik kapag hindi pa siya nakaka uwi. Gusto kong umuwi muna siya saka ako matutulog pano nalang kaya kung anong nangyari sa kanya.
Sumisikip na ang dibdib ko gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko talaga baka makakasama pa yun sa akin dagdag alalahanin pa ako eh nawawala na nga si Ian tapos makikidagdag pa ako.
Malamang sa malamang tulog na ngayon sina kuya at ate monica 30 minutes nalang para mag 11 p.m kapag 30 minutes hindi pa siya nakaka uwi tatawag na talaga ako ng pulis hindi ako madadalawang isip na tumawag ng pulis. Kahit alam kong 24 hours muna tsaka malalaman na missing ang isang tao.
Tingin ng tingin lang ao ng wrist watch ko 15 minutes nalang before 11 p.m kaya tumayo ako sa pagkaka upo ko at naglakad lakad para mawala yung kabang nararamdaman ko ngayon. Pero ng tignan ko uli ang wrist watch ko 11 na pala saktong 11 pa talaga.
Kaya papasok na sana ako ng room namin ng biglang may natakip ng panyo sa ilong ko pumipiglas ako pero wala pa rin eh nahihilo na ako kaya napapikit na lang ako ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...