Kim's POV3 days akong nasa hospital mabuti nalang at kina usap nila mommy at daddy si dean. Pero di nila sinabi na may sakit ako. Sinadya ko talagang sabihin Kay mommy na wag nang sabihin Kay dean ang sakit ko.
Ayokong malaman nila yun at kaawaan nila ako. Gusto Kong mamuhay nang normal. Sinabi nalang nila mommy at daddy na nagbakasyon kami abroad dahil wedding anniversary nila.
At sabi ni dean okay lang naman yun, pero kaialangan Kong mag catch up nang mga lesson kasi alam Kong late na ako sa mga topic.
God malapit na ang preliminary exams kinakabahan na talaga ako.
"Baby okay na sabi ni dean kaya pumasok ka na ng room niyo. If you need anything just don't hesitate to call me ha? Please anak wag mong isarili kung ano man ang maramdaman mo ha?"
"Yea mommy I will" sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanila at hinalikan ni mommy ang noo ko pati si daddy.
Umalis na sila at ako naman naglakad na papunta ng room namin. Habang naglalakad ako nakatingin lahat sa akin. Oh no! Nakita nila ako kanina with mom and dad. Hindi ba hindi alam ng lahat na anak ako ng mga Alonzo oo nga ka apelyedo ko nga pero di nila alam na isa akong anak ng sikat na pamilyang Alonzo.
Ang talim ng mga tingin nila sa akin. Pero di ko sila pinapansin kasi proud ako sa family ko kasi mahal nila ako at dapat hindi ko ikakahiya ang pagiging Alonzo ko.
Di ko sila pinansin tuloy lang ang lakad ko papunta ng room ko. Pagkarating ko eh napatingin agad ako Kay Ian na ang layo ng tingin.
Sa bintana siya nakatingin. Himala nga eh di natutulog mabuti nalang at wala pa yung prof namin.
Naglakad ako papunta ng upuan ko at umupo.
Nang mapansin niya ako eh nakatingin siya sa akin. No expression nanaman ganyan yan lagi eh di mo talaga mababasa ang iniisip ng isang to.
Di ako tumungin sa kanya pero feeling ko nakatingin parin siya sa akin. Deadma pa rin ako.
Bakit ba ganito siya makatingin sa kin? Eh wala naman akong kasalanan sa kanya.
Matapos ang klase namin na parang tood ang katabe ko di man lang kumilos eh nagmamadali akong lumabas ng room. Gusto kong mapag isa kasi ayokong maka usap siya.
Kasi alam kong once na mag usap kami alam kong yung nangyari sa parking lot lang ang pag uusapan namin. Tsk! Ang hirap naman nito there's this part of me na nasasaktan kapag naaalala yung pangyayaring yun.
Lalo na yung nagtama ang mga Mata namin nun. Shemay talaga eh!
Lakad lang ako ng lakad papunta ng likod ng school mas maganda kasi dun tahimik, maaliwalas, walang mangugulo sa akin dun at makakapag moni moni pa ako dun.
Pagkarating ko eh umupo agad ako sa damohan nilapag ko yung bag ko at kumuha ng isang libro na babasahin.
Kinuha ko yung libro ko sa Pol. Sci yun nalang ang babasahin ko.
Nagbabasa ako habang kumakain ng tinapay ng may umupo sa gilid ko. Haaays!
"Jeff anong ginagawa mo dit--- Ian?" Akala ko si Jeff yung umupo sa tabi ko pero si Ian pala. Pano niya nalaman na nandito ako?
Tumingin tingin pa ako sa paligid ko para e secure na walang makakakita sa amin.
"Jeff nanaman tsk!" Sabi niya pero di ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.
"Hey you've been gone for 3 days not telling me what happened, after that incident in the parking lot. I've been waiting for you but you didn't go to school. What happened?" Tignan niyo na sabi ko sa inyo pag nag usap kami yung tungkol sa parking lot talaga yung pag uusapan namin eh.
"I'm on vacation with my family, it's their wedding anniversary we go to Japan for 3 days" sabi ko sa kanya. Ang liar ko talaga.
"And you didn't tell me?" Napakunot naman ang noo ko.
"At para saan pa eh nagkabalikan nanaman kayo ha so di na natin kailangan magpanggap pa" sabi ko sa kanya.
"Hindi kami nagkabalikan" sabi niya.
Tanga ba tong lalakeng to o ano. Maghahalikan ba sila kung hindi sila nagkabalikan like duh gagawin pa daw ba akong tanga.
"Naghahalikan kayo tapos sasabihin mong hindi kayo nagkabalikan? Grabe naman yan so ex with benefits lang ang peg ninyo?" Sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Ano bang Mali sa sinabi ko? Eh too namang parang ex with benefits ang ginagawa nila hindi ba?
"It was an accident" napakunot ulit yung noo ko.
Seriously? May naghahalikan bang accidente lang? Seryoso ba siya eh nung nakita ko siya parang sarap na sarap pa nga siya eh.
"Seriously?" Tanong ko sa kanya pero tumango lang siya.
Ang hindi ko maintindihan sa kanya bakit kailangan ko pang magpanggap eh kung gusto ni ms. Garcia makipagbalikan sa kanya eh kusang pupunta yun sa kanya.
Pero yung sinasabi niyang magpanggap kami para bumalik sa kanya si ms. Garcia was just a lame decision.
Dahil kung mahal siya ni ms. Garcia hindi siya iiwan. Pero alam ko naman kung bakit niya iniwan si Ian, tong isang to lang talaga hindi makaintindi eh.
"Bakit ko naman gagawin ang lahat ng gusto mo eh wala naman akong mapapala diyan" sabi ko sa kanya.
Totoo naman hindi ba? Kasi hindi naman para sa akin yung magkabalikan sila. Sasaya ba ako? Hindi kasi wala akong paki alam sa kanila. At wala akong mapapala sa pagtulong sa kanya.
"Meron kang mapapala, ito ang deal ko sayo pag tinulungan mo akong maibalik siya sa akin I will tell dean na ikaw na ang magiging cum laude hindi ko gagalingan sa prelim exam para sayo na talaga yung cum laude for sure" sabi niya napa isip naman ako.
Magandang edeya nga yan. Gusto ko yung offer niya! Tinignan ko lang siya kung totoo ba yung sinabi niya pero di siya nagsasalita.
Maganda yung na isip niya kaya papayag na ako.
"Oh sige papayag na ako pero sure ka bang ako yung gusto mong magpanggap. What I mean is ang panget ko kaya maraming iba diyan na mamaganda" sabi ko sa kaya pero umiling lang siya.
"Haaays o sige na nga. Tsk! Iba talaga ang nagagawa ng love" sabi ko.
"I just love her so much na ayokong mawala siya sa akin. I love her that much kaya lahat gagawin ko maibalik lang siya sa akin"
And I feel something unfamiliar in my chest. Sumakit bigla ang dibdib ko sa mga narinig ko.
No this can't be! May mahal na siya kaya kailangan kong ibaliwala tong nararamdaman ko. Ayoko nito kaya kahit maaga pa pipigilan ko talaga to.
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceA very mysterious guy who enter my very peaceful life. A guy who taught me how to be a better person, a guy who taught me how to be strong. He is really mysterious but then again I fell in love with him. I am Kim Alonzo and he is Ian Villanueva a gu...