Chapter 1 - Fake Relationship

112K 1.7K 556
                                    


Mckendall's.



Tulala ako sa kawalan. Isa na namang hindi inaasahang desisyon na kagaya ng nakasanayan ay wala akong magawa. Minsan kinukwestyon ko na ang sarili ko, ang worth ko. This is no longer a simple anxiety. It makes me feel so much more.

Napabuntong-hininga ako. Nawala na rin ang kaninang inis na nararamdaman ko at ang maliit na sama ng loob ko sa magulang ko. Just like they used to, sila na naman ang nagdesisyon para sa sarili ko. Ang pait lang sa pakiramdam na isiping gagawin ni dad ang lahat kapag pera na ang pinag-uusapan, at yun ang totoo. Sinusuportahan naman siya ng mommy ko na isa pa sa nakakalungkot. Hindi ako makatanggi. Para bang wala akong karapatang humindi.

Last week, they had this meeting with their business partner which I was surprisingly invited. Inaasahan ko nang madadawit na naman ako sa kung ano na namang business plan or strategy ang mayroon sila. Hindi na sana ako magugulat pa ngunit...hindi ko alam kung ano ang iniisip ng bawat isa sa kanila lalo na ang magulang ko para gawin ito sa'kin. Last time I checked, single pa ako. Walang balak maglovelife at ni hindi ko nga hinihiling man lang pero ngayon...sila na mismo ang nagbigay nito sa'kin. They set me up on a fake relationship. Bukod sa hindi ito katanggap-tanggap dahil sobra na ito sa pangingialam nila sa buhay ko, hindi rin ito katanggap-tanggap in a sense na...sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit siya pa? At bakit sa babae pa?!

Higit sa lahat, bakit si Winter Thales pa?!

Hindi kami talo ng taong 'yon dahil sa tingin ko naman straight ako. Straight kaming pareho! People would say it doesn't matter, but it does! Don't get me wrong, I'm not homophobic. I'm an ally. But then, una sa lahat, mas straight pa ako sa mga kaibigan kong straight kaya bakit nila naisipang i-tandem ako sa babae rin? Pangalawa, hindi ko gusto ang babaeng 'yon sa hindi ko matiyak na dahilan. Actually, maraming rason pero hindi ko na iisa-isahin pa. Huli, this idea doesn't make any sense. Hindi ko man naintindihan masyado ang goal nila sa planong 'to basta ang alam ko...pare-pareho kaming mahihirapan sa sitwasyong 'to. Worse case, baka ito rin ang humila sa kanila pababa sa halip na iangat sila.

Grr! Nakakaloka.

Masisiraan na yata ako ng bait nito. Bakit ako? Bakit kami? Hindi ko matanggap. Hindi ba't mas makatotohanan sana 'tong 'whatever palabas' nila kung babae't lalaki ang sinet-up nila? And mind you, this is not just a simple set-up; higit pa ito. They want us to live together. Yes, together! Grabe ha. What did I do to deserve this? Ang tahimik ng buhay ko tapos bibigyan nila ako ng sakit ng ulo? Hindi tama.

That girl? Siya lang ang uubos ng pasensya ko.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Naisagawa na agad ang plano at wala akong nagawa. It has been four freakin' days since we started to live under the same roof, and it was much worse than I thought. I don't think I can handle her any longer. Kung masungit ako, mas masungit ang isang Winter Thales. How can everyone except me like her? Maldita, mapride, demanding, at lahat na. She just proved all my assumptions about her are right. Ginagawa ko naman ang best ko para pakisamahan siya, but it's not working, mas lalo lang lumalala. Alam mo yung ikaw na nga ang nagmamagandang loob pero ikaw pa rin ang masama? Ganon lagi ang outcome niya. She's a pain in the ass! Buti nalang ay kasama namin sa bahay si Nanay Melba kaya kahit papaano ay may peacemaker dahil kung hindi...nako, world war everyday.

Hindi ko siya uurungan 'no!



TODAY is Sunday. Naisipan kong makipagkita kay Cyprixille at Tyrant, ang dalawang mukhang butiti kong kaibigan. Hindi pa nila alam ang tungkol dito sa delubyong kinasangkutan ko kaya gusto kong sabihin sa kanila para alam nila ang dahilan kung bakit hindi ako nagpaparamdam and how I've been doing these past few days. Ayaw ko rin namang maglihim sa kanila dahil para saan pa? Sila lang naman ang tanging mapaglalabasan ko ng sama ng loob tungkol dito.

LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon