ILANG araw na akong hindi makatulog dahil sa nararamdaman ko sa kanya. It becomes more frustrating as days go by. Ginugulo ako ng nararamdaman ko, ginugulo niya ang isip ko. It makes me go crazy, I'm not even kidding. Hindi ako makatulog, hindi makakain ng maayos, at halos palagi na lang akong lutang.
Normal pa ba 'to? Okay pa ba ako?
Naaapektuhan na ang mga ginagawa ko at maging ang takbo ng araw ko. Hindi ko na alam ang gagawin. This is really hard. I'm having the difficulty to deal with it. Isa na lamang ang naiisip kong paraan para matigil ito. Ideya pa mismo ni Cyprixille at naging suhestisyon rin ni Butler John. Gusto kong manahimik ang kalooban at isipan ko. Ang tagal kong pinag-isipan ang desisyong ito at ilang beses din akong nagdalawang isip. Sa wakas...nakapagdecide na ako.
Aamin na ako.
Alam ko namang hindi niya magugustuhan. Ngunit sa lagay ng sitwasyon namin ngayon...baka pumabor ako sa ideyang magalit siya sa gagawin kong pag-amin para na rin hindi na ako mahirapang isantabi itong nararamdaman ko. Para na rin makapagconcentrate ako sa papalapit na tournament. Alam ko namang hindi talaga siya manunuod non. Wala siyang interes sa mga ganoong bagay. Lalo lang akong nababaliw kapag nasa paligid siya.
Naalala ko ang mga araw na wala pa akong pakialam sa kanya. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang mga araw na yon para hindi ako nahihirapan ng ganito. Bakit ba kasi ako nahulog? Bakit sa kanya pa? Ginayuma niya ba ako?
Ang hirap tanggapin ng katotohanang hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko.
Nagising na lamang ako isang umaga at narealize na...tama nga ang mga palihim kong hula.
Tama si Cyprixille. Tama si Butler John...
Mahal ko na nga.
________
________PASADO alas otso na ng gabi. Lumabas ako ng aking kwarto at tinungo ang kwarto ni Winter. Kagaya ng mga nakaraang gabi, hindi rin ako makatulog ng maayos ngayon. Pabaling-baling lang ako sa kama. Ngayong araw ko rin napagdesisyonang umamin. Dapat sana'y kanina pang umaga ngunit dahil sa kawalang tyempo, inabot na ako ng gabi.
Hindi ko naman pwedeng ipagpabukas 'to at baka magbago ang ihip ng hangin pati na rin ang isipan ko.
Kinakabahan akong tumayo sa tapat ng kwarto niya. Nakailang buntong hininga ako bago lakas loob na inangat ang kanang kamay para kumatok. My hand is literally shaking in nervousness.
Napakagat-labi ako at ibinaba ang kamay. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Napabuntong-hininga na naman ako. Nagpalakad-lakad muna ako sa harapan ng kwarto niya. Kailangan kong kumalma.
"Kaya mo 'to, Kend." pagpapalakas loob ko sa sarili. Huminto ako. "Hi, Winter!" Ito na naman ako sa rehearsal ko. Kagabi pa ako nagp'practice ng sasabihin.
Napapasabunot ako sa buhok ko. Laging nawawala sa isip ko ang mga ni-rehearse ko kagabi. Hindi ko kaya ang impromptu. Paano ko ba talaga uumpisahan? Mygosh. This is insane!
"Ugh, my goodness!" I groaned. I'm starting to feel uneasy. I moved nervously, completely lost in pace. "Nakakainis. Kinakabahan ako."
Napasandal ako sa pinto. "Hindi ko yata kaya."
No. Kaya mo 'to, Kend. It's now or never!
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...