Chapter 19: Cold Blooded?

36.4K 1.2K 188
                                    

Mckendall's.


Natigilan ako nang hawakan ko ang doorknob at walang kahirap-hirap itong napihit hindi ko pa man naipapasok ang susi. Bukas ang pinto.



Here we go again, sa isip-isip ko. Someone is inside.



Umatras ako ng bahagya at malakas na sinipa ang pinto. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin yon. Marahil dahil sa isiping baka may taong nakatago sa likod ng pintuan. Who knows, right?



"Ay, susmaryosep!" Mabilis akong pumasok. "Aatakihin ako sa puso dahil sayong bata ka!"



"Nanay?!" Hiyaw ko. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "I missed you, nay!" Halos maiyak ako sa tuwa.



She hugged me back and caressed my hair. "Namiss din kita. Kayong dalawa ni Winter." Kumawala siya sa yakap at pinunasan ang pisngi kong may luha na. Naiyak na pala ako ng tuluyan. Natawa siya ng mahina. "Iyakin ang anak ko oh." I pouted in response. "Kumusta kayo rito? Nabalitaan ko sa lolo mo ang nangyari. Kaya mo ba sinipa ng ganon kalakas ang pinto ha?"



Tumango naman ako. "Minsan nakakabahala pa rin po pero hindi na rin naman naulit yon. Mas secure na rin kami kahit papaano kasi may pinapadalang nagbabantay si lolo kapag gabi."



"Mabuti naman kung ganon."



"Siya nga pala nay, kauuwi niyo lang ba galing ng probinsya?"



"Oo eh. Dumaan ako ng mansyon saka ako pinahatid dito ng lolo mo kay...nako, nakalimutan ko ang pangalan ng poging bata na yon. Basta yung may salamin sa mata."



Natawa naman ako. "Ah, si Butler John po yon." Tumango-tango naman siya. "Saan pala kayo mag-i-stay, nay? Dito ba o doon sa mansyon?"



"Dapat dito kasi yon ang napag-usapan namin noong una ng lolo mo. Nagpabago-bago ang isip niya. Tapos ngayon nagbago na naman at doon na lamang daw," naiiling pero natatawa niyang sabi.



"Bakit daw po?" Tanong ko nang mapansin na tila hindi ganon kabuo ang tawa ni nanay at iniwasan niyang tumingin sa mga mata ko. "May sinabi po ba siyang dahilan?"



Napabuntong-hininga siya. Matagal bago siya nagsalita. Umupo siya at agad din naman akong sumunod. "Papabalikin kana niya sa mansyon." Kumunot lang ang noo ko at hinintay ang kasunod na sasabihin ni nanay. "Makikipag-ugnayan siya sa paaralan niyo para tulungan silang makabangon at para makaalis kana rin dito."



"T-talaga po?" Mukhang tama si nanay sa pagsabing iyakin ako dahil bigla na naman akong naluha nang malamang tutulungan ako ni lolo. "Sabi ko na nga ba hindi ako papabayaan ni lolo. Nahihirapan na rin naman po ako," halos pabulong kong sabi.



Naramdaman ko na lamang ang paglapit ni nanay at ang pagyakap niya sa'kin na mas lalo kong ikinaiyak. Mas lalo akong bumigay. I know how much I wanted a hug from someone who really cares, a hug where I know I'll be safe.



"Mahal ka ng lolo mo at alam niyang kailangan mo siya. Hindi ba sabi ko naman sayo magiging maayos din ang lahat? Ayos lang yan, umiyak ka lang. Ilabas mo ang kung anong mabigat diyan sa puso mo, nak."



Niyakap ko lang siya at umiyak nang umiyak hanggang sa mahimasmasan ako kaya naman halos mamaga ang mga mata ko.



"Saan nga pala si Winter? Nasa school pa ba?" Tanong niya kapagkuwan. Hindi ako nakasagot na para bang nawala na ako sa wisyo at natulala. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga muli ni nanay. "Siya ba ang dahilan?"



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon