Chapter 11: Feelings identified

38.7K 1.1K 523
                                    


LUMIPAS ang mga araw at mas nalalapit na ang sports tournament. Preparado na ang lahat at kabilang na ako roon. Sumisiklab na ang kaba sa bawat isa lalo sa kagaya kong timang na naglakas loob sumali sa larong delikado. Normal lang naman ito sa isang tao pero sana lang hindi ako maapektuhan ng kabang sinasabi ko.



Ngayon palang humihingi na ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko baka kasi katapusan ko na nga talaga.



Kung dati alas kwatro or singko ako kung magising, ngayon alas dos na. Simula nang sabihin ni Winter na isasabay na niya ako sa pagpasok sa school, mas inagahan ko na ang pagising para lang hindi niya ako maisabay. Alam kong hindi siya nagbibiro, kahit pa tumanggi ako. Mas mapilit pa yon kaysa bata at masusunod at masusunod pa rin ang gusto niya.



Uutakan ko nalang hahaha.



Isasabay niya ako para ano? Sungitan o di kaya'y dedmahin? Baka naman ipapahiya na naman niya ako. Ang lakas ng loob niya na ganituhin ako palibhasa alam niyang mas maganda ako sa kanya. Hahaha where's the lie though. Mauubos na ang pasensiya ko sa kanya kaya pasensyahan na lang dahil malapit ko na siyang kalbuhin. Ugh, kairita!



Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Matinding pag-iingat ang ginawa ko h'wag lang makagawa ng tunog dahil malakas pa sa aso ang pandinig ng babaeng yon at isang lagitik lang paniguradong magigising siya. Dahan-dahan din ako sa pagbaba ng hagdan. May future akong maging ninja sa ginawa kong 'to. Kapag ako hindi nahuli ng babaeng bruha na yon, papasok ako sa isang ninja class.



I breathed a weak relief sigh when I reached the door.



Ngunit hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob——"Going somewhere?"



"Ay, anak ng palaka!" Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang ilaw sa sala.



Napatingin ako sa babaeng nakasandal sa wall malapit sa switch at nagpipigil ng ngiti. Alam niya bang pwede akong atakihin sa puso dahil sa mga panggugulat niya? Nakakaloka 'to. Napahugot ako ng malalim na paghinga. Ang sarap niyang lamukusin grabe!



Tumingin siya sa wall clock at muling binaling sa'kin ang tingin nang may pagngisi. "So, where are you going at this hour? Two o'clock in the morning, really?!"



"Magpapakamatay." I sarcastically replied.



Psh. Akala ko pa naman matatakasan ko siya. Nevermind the ninja class.



"Ohhh~ I bet that's a good idea." Hindi rin siya patatalo sa pagiging sarkastiko. Umalis siya sa pagkakasandal sa wall at pinagcross ang mga braso. "Akala mo hindi ko alam na lagi mo akong tinatakasan? Ayaw mo talagang sumabay sa'kin, hmm?"



"Buti alam mo. Aalis ba ako ng ganitong oras kung gusto kong sumabay?"



"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong sumabay, hindi mo kailangang umalis ng ganito kaaga! Baka naman kasi may iba kang pupuntahan. Saan ka ba talaga pupunta? Sarado pa ang school sa mga oras na 'to, Lacson. You are not an aswang naman di ba or..." she looks at me suspiciously.



Gaga talaga, pagdudahan ba naman akong aswang.



"Mas gugustuhin ko na lang na isipin mong aswang ako kesa kinukwestiyon mo ako at inaabangan dito. Ano ba kasing pakialam mo? Ano ba kita?!" Naiinis nang tanong ko. Kung dati siya ang palaging mas naiinis sa'kin, ngayon mukhang bumaliktad ang mundo at mukhang ako na naman ang mas nababadtrip sa kanya.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon