Chapter 21: RED FLAG - the code

51.2K 1.2K 966
                                    

Mckendall's.



Dad has his secretary?



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga nalaman ko noong nakaraang linggo matapos kong umuwi sa bahay. Ang mga nakita sa kwarto ni daddy, at ang ngayon ko lang nalamang may sekretarya siya.



Hindi kaya babae niya yon?



Imposible. Kilala ko ang ama ko bilang walang interes sa babae dahil mas pipiliin niya ang trabaho, ang magpayaman, at higit sa lahat maging makapangyarihan. Noon pa lang ay lagi ko nang naririnig sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang may kausap sa telepono, lagi niyang binabanggit na kikilalanin siya ng mundo. Hindi ko pinapansin yon noon sa isiping baka hangad niya lang ang sumikat siya kasama ng paaralan na pagmamay-ari niya. Pero ngayon, napapaisip ako kung yon nga ba talaga ang ibig niyang sabihin sa mga salitang yon.



Noong araw na yon, hindi ko nakausap ng matagal ang babaeng nagpakilalang sekretarya ni daddy. Malamig ang bawat bitaw niya ng mga salita at tila walang interes sa kahit na sinuman. Hinayaan ko na lamang siya nang basta na lamang niya akong iwan sa labas at pumasok sa bahay. Hindi na ako nag-usisa pa. Wala na akong panahon para magtanong pa at alamin kung ano ba talaga ang koneksyon nila ng aking ama.



"Earth to Mckendall! Nakikinig ka ba sa'kin? Naririnig mo ba ako?"



Napakurap ako. Nasa harapan ko na si Cyprixille. Iginala ko ang tingin ko. Nasa loob pa rin naman kami ng classroom. Lutang na naman ako. Mabuti na lamang at wala pang klase.



"Oh, bakit?" Baling ko sa kanya.



"Kanina pa kita kinakausap, Kenny. Pinapatawag ka ng mother-in-law mo!"




"Bakit daw?"



"Aba, malay ko. Baka pag-uusapan na kasal niyo."



"Cyprixille," walang ganang saway ko saka tumayo. May kinuha akong maliit na piraso ng papel sa bulsa ko. "Oh, ito yung sinasabi ko. Ikaw na ang bahala, mosh."



Sa ilang araw kong pagkimkim ng mga impormasyon na alam ko, naisipan kong sabihin kay Cyprixille lahat ng mga nakita at nalaman ko nang umuwi ako sa bahay. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin sa paghahanap ng code na nakalagay sa maliit na libro para malaman kung para saan ang mga nakalistang pangalan doon. Siya lang din ang alam kong mapagkakatiwalaan ko bukod kay Tyrant na hindi ko na idadamay pa.



"Ghad, sa lumang baul pa yata 'to galing."



"Kaya nga. Alam kong kaya mong hanapin yan. Though, mukhang alam ko na rin naman kung ano yan pero sana mali ako dahil hindi ko matatanggap na ginagawa niya 'to." I sighed. Alam ko rin na may alam si lolo sa mga nangyayari. Ayaw niya lang sabihin sa'kin. "Mukhang alam ko na kung bakit ako sinanay ni granddad."



"Because you'll be in danger," sagot niya.



"No, not me." Sumeryoso ako. "But, the people around me. Ang mga taong malalapit sa'kin."



Napaismid siya. Muli siyang nagbaba ng tingin sa papel. "Kaya pala nasa listahan din ang pangalan namin ni Tyrant." Nag-angat siya ng tingin sa'kin at tinapik ako sa balikat. "Hinihintay kana ng mother-in-law mo. Pagbalik mo may sagot na ako rito," iwinasiwas niya ang maliit na papel.



Agad kong lumabas at tinungo ang office ni Ms. Yoon. Sa halip na sumakay ng shuttle, mas napili kong maglakad lang para mahimasmasan ako. Bagamat sa kalagitnaan ng paglalakad, tila ba naging mas malinaw ang lahat habang tulala ako sa kawalan.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon