Chapter 24 : The Secret Guardians

50.7K 1.2K 721
                                    


"Compile all of your reports and pass it before the midterm exam together with your portfolio. No reports, no portfolio, no exam. In other words, fail!" Anunsyo ni Prof. Ocampo, our teacher in Literature.



"Ano ba yan. May tatlong thesis na nga tayo sumasabay pa 'to," bulong ni Cyprixille dahilan para mapatingin ako sa kanya.



Inaasahan ko nang sa lahat ng mga kaklase ko, siya talaga ang numero unong magr'react.



Mayamaya pa, nagdiscuss na naman ulit si prof kaya naman nanlanta ang lahat. Akala namin uwian na dahil umabot na kami sa usapang projects na usually binabanggit niya lang sa huling minuto ng klase, but not today. May pa-extension na naman siya. Kahit kailan talaga itong guro namin. Lagi itong nag-oovertime sa klase dahil ito ang last period at alam niyang wala nang subjects pang susunod. Feeling niya kontrolado niya ang oras kung saan hindi na talaga tama. Dapat sundin pa rin ang time given sa subject niya ngunit hindi niya 'yon sinusunod. Ang sipag niyang pumasok, dzai.



Halos trenta minutos din ang tinagal ng overtime class namin. Napainat ako paglabas ng classroom. Sumakit ang pwet ko sa tagal naming nakaupo. Nangalay na rin ang mga kamay namin sa dami niyang pinatake notes. Nakakaloka talaga.



"AAAAHH—ayaw ko na talaga sa mundo!"



Natawa ako kay Cyprixille nang abutan ko siya sa labas ng room. Parang lantang gulay siyang nakasandal sa pader at nakatingin sa kawalan habang hinihintay ako. "Kaya mo pa ba?"



"Ayaw ko nang mag-aral, Kenny. Papatayin nila tayo."



"Ayan ka naman eh. Masyado mo kasing iniisip kaya ka nai-stress. H'wag mo kasing isipin," sabi ko pa. Ito naman talaga ang linya ko sa kanya sa tuwing dinadalaw siya ng pagiging nega niya.



Kahapon pa siya nagrereklamo matapos i-announce ang nagkataong sabay-sabay na thesis mula sa tatlo naming subjects, isa sa major at dalawa sa minors. Maging ako medyo nalula sa anunsyo dahil hindi 'yon magiging madali sa'min lalo na't magkakaiba kami ng grupo. We need an ultimate multitasking, at the same time dedication and focus. Pero ewan ko lang sa mga kagrupo ko ha. Nangyari na 'to noong Senior High School pa ako kaya hindi na gaanong bago sa'kin.



"Wow ah. How to be you po?!" Pang-uuyam niya. "Kenny, that's not fair!" She added with her fake British accent.



"I know. Pero may magagawa ba tayo? Ikaw, kung gusto mo namang bumagsak."



Tumayo siya ng maayos at nameywang sa harapan ko. "Hindi na yata darating sa point na mag'gets ko kung ba't ang chill mo kahit sa mga ganitong sitwasyon, Kenny. Pa'no mo natatanggap ang mga nangyayaring 'to? Pa'no?!" Madrama niyang sabi.



"Nega ka lang talaga, Cyprixille. Pinapahirapan mo lang sarili mo. Tabi nga diyan baka mahawaan mo pa ako." Nilagpasan ko siya. "Punta muna tayong cafeteria bago umuwi."



"Tch, hindi mo ako naintindihan!" Ungot niya. "Anong gagawin natin sa cafeteria? Hindi ka ba nakikinig kanina? Bukas pa raw ang open nila kasi may inaayos pa."



Nilingon ko siya. "Ganon? Edi sa kabilang cafeteria tayo. May sasakyan ka naman eh." Hindi pa man siya sumasagot ay alam ko nang tatanggi siya dahil sa layo no'n dito sa building namin. Tumulis na agad ang nguso niya. "We deserve a treat after a long day, Prix. H'wag kang mag-alala, sagot ko."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon