Mckendall's.
Ang bilis ng araw, Sabado na naman. Walang pasok pero hindi ibig-sabihin rest day na namin. Ito na nga lamang ang isa sa tatlong araw na pahinga na meron kami, binigyan pa rin kami ng gagawin.
Prof, what's your problem?
"Thou shall not use a computer to harm other people," ulit ko sa kawalan. Kanina ko pa ito paulit-ulit na binabasa hanggang sa wakas natandaan ko rin without glancing on my notes. Pero number 1 palang ako at may siyam pa! Sinubukan ko ang pangalawa. "Though shall not..." long silence.
This is ridiculous!
Hindi ko talaga makabisa. Matalino naman ako, matalas ang utak pagdating sa ganito pero bakit hindi ako makapagfocus ngayon?
Problemado akong napahawak sa mukha ko. Imagine, out of ten commandments...isa lang ang pumasok sa utak ko. Ghad, this can't be. Ayaw kong mapahiya sa Monday. Dapat manguna pa rin ako. Napasandal ako sa couch at hopeless na ipinatong sa mukha ko ang notebook.
Ano ba kasing nakain ng professor namin at gusto niyang kabisaduhin namin 'to?! Sana lang talaga masarap ang ulam niya ngayon habang busy kami magpasakit ng ulo rito.
Nagsisimula palang ang araw tinatamad na agad ako, hindi ako makapagfocus sa mga dapat sana'y gagawin ko ngayong araw. Gusto kong maging productive pero sadly...ayaw makipagcooperate ng katawan ko. Gusto ko na lamang matulog buong araw, kung pwede lang sana. Pwede naman kaso ako rin ang mahihirapan kinabukasan.
I grimaced as I glance on my notes again. Ten commandments of Computer Ethics tapos isama mo pa ang Code of Ethics. Ang harsh talaga ng professor namin. Hindi man lang ba siya naawa at pinagsabay pang ipakabisa sa'min 'to? Hindi kaya madrain ang utak namin nito? This is too much.
And you're complaining too much, Kendall.
"Anak!"
"Nay?" Nahinto ako sa pakikipagtitigan sa notebook ko nang marinig ang boses ni nanay mula sa kusina na lumabas din dala-dala ang bayong. "Bakit po, nay?"
"Pupunta lang akong palengke. Maiwan ko muna kayo ha?"
"Kayo?" Inosenteng tanong ko.
May iba pa ba kaming kasama rito?
"Bakit, umalis ba si Winter?"
"Ahh," napatango ako. Akalain mo yon, may kasama pa pala ako bukod kay nanay. "Nasa...kwarto niya po ata. Sige, nay. Ako na ang bahala rito. Ingat po."
Muntik ko nang makalimutan na tatlo nga pala kaming nandito sa bahay. Akala ko kasi multong nakikituloy lang dito ang bruha, tao rin pala siya.
Sinundan ko ng tingin si nanay hanggang sa sumara ang pinto. Muli ay ibinalik ko ang atensyon sa aking kinakabisado. The more na iniisip kong kakabisaduhin ko lahat ng nakasulat na dito, the more na tinatamad ako.
Utak cooperation, please. Para matapos na 'to!
Natampal ko ang sarili kong noo. Sa tingin ko'y wala akong mapapala ngayon kahit anong gawin kong pagpiga sa utak ko. Kung ayaw, ayaw talaga. Siguro mas mabuting ipagpabukas ko nalang or maybe later kapag sinipag ako?
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HER (COMPLETED)
Teen FictionFake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fake relationships? In the business world, it's ubiquitous. McKendall and Winter were used as a means o...