Chapter 6: I kissed a girl

43.6K 1.1K 664
                                    

Mckendall's.



"How was your study, ate?" tanong ng kapatid ko.



Naisipan kong umuwi sa bahay para bisitahin si Ashlieh, ang kapatid ko. Lagi naman akong bumibisita isa o dalawang beses sa isang linggo. At kagaya ng inaasahan ko, kasambahay na naman ang kasama niya. Ako na lamang ang naaawa sa kapatid ko sa kapabayaan ng magulang namin. Kung pwede ko lang siyang isama doon sa kabilang bahay kaso alam kong hindi magugustuhan ng magulang ko at ayaw kong masaksihan niya na lagi kaming aso't pusa ni taglamig.



Nakangiti akong tumabi sa kanya. "Hmm, okay naman. Eh, ikaw? Hindi mo naman ba pinapabayaan ang pag-aaral mo?"



"Ate, h'wag mo akong alalahanin. Laging top notcher itong kapatid mo," she winks and smiled proudly.



"I will always be proud of you even with your small achievements, Ashlieh." Inakbayan ko siya kung saan natatawa naman niyang tinanggal.



"Ano ba yan, ayaw ko talaga na ganyan ka. Ang cheesy mo na naman, ate! H'wag ka ngang magdrama."



"Ito naman! You call that cheesy? Gusto ko lang na mag-aral ka ng mabuti," nangingiti at naiiling kong sabi. Inilibot ko ang tingin sa abot-tanaw na parte ng bahay namin. "Kumusta ka naman dito? Kumusta sila...dad at mom?"



"I'm doing well. Everything is good...so far. Nasa business tour sina mommy at daddy. Kakaalis lang nila kahapon. Sabihin ko nalang daw sayo."



"Wow, they didn't even waste a minute to text me, huh?" me, pretending to be shocked.


"They are always like that, ate. Are you still suprised?" She chuckled. I scoffed. "Siya nga pala ate, pumunta si granddad dito kahapon pagkaalis nila mommy. Hinahanap ka niya."



Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal at tumingin sa kanya. "Did you tell him about it?"



"I didn't. Sabi ko nasa training ka. Nasa Demi tower ka naman talaga kahapon di ba?" Tumango ako. Alam ko namang hindi ako i-expose nitong kapatid ko pero paano kung may hinala na si lolo? "Hindi mo ba 'to sasabihin kay granddad, ate?"



"Sasabihin ko naman pero...hindi muna ngayon. Naghahanap pa ako ng tamang pagkakataon kung saan kalmado lahat para hindi magcause ng isa pang gulo."



"Okay. Basta sabihin mo sa kanya. He deserves to know what's happening. Malay mo matulungan ka niya...kayo."



Napatingin ako ng mataman sa kapatid ko na ngumiti lang sa'kin matapos sabihin yon. Napangiti ako at niyakap siya from the side. "Aww, you are a big girl na talaga."



"Ate! Ate!" pagsaway na naman nito. Ayaw na naman niyang niyayakap ko siya na akala mo'y hindi nagpapababy sa'kin dati. "Ang clingy mo!"



"Wow. Yakap lang? Ayaw mo na ba sa'kin? Alam mo namang you will always be my baby sister! Ikaw ang paborito ko sa lahat!"



She groans. "Ang corny mo talaga, ate! Nag-iisa lang naman akong kapatid mo, sino pa bang magiging paborito mo?"



"Sus! Hahaha, lumalaki kana nga talaga."



She jokingly rolled her eyes. Natawa na lang kaming pareho at sumandal na lamang ako sa balikat niya. "May tanong pala ako ate."



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon