Chapter 28: The tragic ending of us

35.2K 938 171
                                    

Continuation...



Cyprixille's.



"What's wrong?"



"Eh?" Maang na tanong ko kay Tyrant na nakakunot na ang noo sa'kin. "Bakit?"



"What's with those heavy sighs?" Tanong niya dahilan para mapabuntong hininga na naman ako. Ibinalik niya ang tingin sa screen ng kanyang laptop na pinagmamasdan namin ngayon. "If I were you, I won't think too much. Matatapos din naman 'to."



We are currently monitoring Kenny's location and state. Gusto naming siguraduhin na kahit hindi namin siya kasama'y nababantayan pa rin namin ang galaw niya lalo na sa hindi pangkaraniwang kaganapan ngayon. We need to be attentive in looking out to her. Masyadong delikado, hindi ako mapalagay. May tiwala naman kami sa kakayahan niya dahil kung angking lakas lang ang pag-uusapan...mas nakakahigit siya, ngunit hindi lang handa. Hindi pa siya lubos na nahuhubog at sa tingin ko'y hindi na rin naman kailangan dahil ibang katauhan na niya ang magmamana non. Ang tanging tadhana niya ngayo'y maging ugat ng pag-asa, at trabaho naming protektahan siya.



"Hindi 'yon," sagot ko kapagkuwan. "Hindi mo ba ramdam? Parang...may hindi tama ngayon."



"Wala naman talaga. We're in the middle of this chaos. What do you even expect?"



"Ibig kong sabihin..." napatingin ako sa harapan at nanliit ang aking mga mata. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sa kakaibang nararamdaman ko ngayon kaya napailing ako. Nalilito na rin ako sarili ko. "Something is making me feel bothered. It makes me anxious."



"You look anxious."



"I know. That's what I am saying."



Sumandal na lamang ako at tumingin sa kawalan. Nagsisimula na akong mainip pero kailangan pa naming maghintay, konting tiis at pagtitiyaga pa. Saka lang kami gagalaw at aalis rito kapag nagpakita na ang senyales para sa kauna-unahan naming misyon. Nasa malayo at tagong parte kami ng lugar kung saan alam naming hindi lang kami ang mapapadpad para magmanman mula rito. Someone will surely watch the show tonight. Imposibleng walang ibang susulpot rito bago matapos ang gabi. Imposibleng walang makikialam.



I even feel a strange atmosphere. It might be the starting point of whatever will happen next. This is making me feel more worried. We have been spying here since noon and nothing has changed. There's no one going in and out of the place yet. Ganon pa rin ang lagay ng lahat na siyang mas nakakapagtaka para sa'kin. Masyadong tahimik, mas lalong nakakatakot.



"They are here."



Napatingin ako kay Tyrant na bigla na lamang nagsalita. "Sino?" Tanong ko.



Hindi na siya nakasagot pa. Tumaas ang kilay ko at napaayos ng pagkakaupo nang bulabugin ng isang malakas na putok ng baril ang katahimikan ng paligid. Agad akong napatingin sa screen ng laptop kung saan binabantayan namin ang lagay ni Mckendall. Sabay kaming napahinga ng maluwag ni Ty nang makitang malayo sa kinaroroonan niya ang pinanggalingan ng ingay na 'yon. Nagsunod-sunod na ang putok ng baril na tila may lumusob sa lugar. Inilabas ko ang isang binocular telescope para makita nang mas malapitan ang nangyayari sa loob. Upon checking, there are men exchanging bullets and shooting each other. May mga hindi kilalang tao na umatake.



"Saan galing ang mga taong 'yon? Ang mga kalaban nila?" Tanong ko.



"Sabi ni Kendall humingi sila ng tulong sa kanyang lolo. Hindi kaya mga tauhan ni Don sir?"



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon