Chapter 34: Let me love you

33.3K 900 372
                                    

Winter's.



"She lives here alone?" I curiously asked Ashlieh while wandering my eyes inside thier unit. Umiling naman agad siya. "Hmm, looks homey."



"Madalas akong nandito lalo na kapag walang pasok sa school. Hindi pa kasi namin siya pwedeng iwan ng mag-isa o ng matagal eh. We need to keep an eye and check on her from time to time."



Napatingin ako sa kanya. "Her condition is that bad?"



"Hindi naman, ate. Sa tingin ko alam mo na rin ang sitwasyon niya, hindi po ba?" Tumango ako. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naupo sa malapit na sofa. "Sorry ate ah? Gustong-gusto kong banggitin sa kanya ang tungkol sa inyo kaso..." nagbaba siya ng tingin. "...natatakot din ako para sa kalagayan ng ate ko."



I stared at her for a second. Huminga ako ng marahan at umupo sa tabi niya. "Don't worry, you're good. We all care for her." Malumanay akong ngumiti. "I am trying to understand her situation. I know it's not easy for her...for all of us. Masakit man na hindi niya ako maalala pero...okay na rin 'to, at least alam kong buhay siya at nakikita ko siya ngayon."



Is it really enough that she's here although she doesn't remember me? Am I really okay with it? How can I even be happy?



Time will come na maaalala niya rin ako pero wala nang kasiguraduhan ang mga mangyayari pagdating ng araw na 'yon. Kung hindi ako handa sa nangyaring 'to, paano pa kaya sa mga susunod na araw? Siguro kahit mahulaan ko pa ang kahahantungan namin sa hinaharap...alam kong hinding-hindi ko pa rin 'to magagawang paghandaan. Masasaktan pa rin ako ng paulit-ulit at habang buhay kong k'kwestiyunin ang tadhana kung bakit hindi kami; kung bakit hindi ako ang pinili sa huli.



Sa isiping 'yon...naitatanong ko, masama bang pumili ng mamahalin? Pumili ng taong para sa'tin? 'Yung tipong hindi na natin kailangan pang dumaan kung kani-kaninong maling tao at magsayang ng luha para sa wala, 'yung tipong hindi na natin kailangang bumalik sa getting to know each other stage dahil lang sa may panibagong tao na naman ang naligaw, at 'yung tipong wala nang pangamba dahil alam mong...secured kana; secured na ang puso mo sa taong alam mong para sayo. How I wish love works that easy, but it doesn't. Love is more like a trial and error where there would be a lot of lessons and discoveries along the way. The only catch about that are the learnings through the process. But, have you ever thought about this...? Kailangan ba talagang masaktan muna bago ka mapunta sa tamang tao? Paano naman 'yung mga nasa tamang tao na? Mayroon sa kanila'y pinaghihiwalay pa rin ng tadhana at pagtatagpuin na lamang muli kapag tama na na ang panahon para sa kanila. Devastating, isn't it? That's woefully unfair to imagine especially we couldn't do anything because sometimes there are things that no matter how we try, it won't still go the way we want it to be. But it does not mean your effort is not enough. It is just what it is. Letting go is the last thing we can do.



Sometimes it's like a roulette, kung saan ka natapat, doon ka muna. Better luck next ikot. Worse bawi ka na lang next life.



"Ikaw 'yung gusto ko para kay ate," usal ni Ashlieh. Napangiti ako sa narinig at napatingin sakanya na nakaside hug na sa'kin ngayon. She's just as clingy as her sister. "Gusto kong maalala kana niya. Ayaw kong mapunta siya sa iba. Ayaw kong mapunta siya dun sa lalaking laging makintab ang sapatos tapos laging nakaturtle neck at masyado pang seryoso kausap. Madaldal lang kapag kompanya na niya ang pinag-uusapan."



Natawa ako sa kung paano niya inilarawan  ang lalaking 'yon.



"Ayaw mo rin sa kanya?" Tanong ko.



LIVING WITH HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon